Kaya naman ang ibang taga-film industry, naniniwalang nilalamon ng TV ang kanilang negosyo. Lahat na kasi ng mga movie superstars, action superstars o maging megastar regular na napapanood sa small screen.
Ang paghina ng pasok ng mga moviegoers, dala na rin daw ng pag-boom ng TV industry, bukod pa nga sa malaking pinsala ng mga pirata.
Buti naman at may taga-pelikula pang ang opinyon ay naiiba. Isa na rito si Direktor Maryo J. Delos Reyes. Minsan sa isang usapan, nabanggit niya na maaaring lumamig din ang pagtanggap ng mga tao sa TV.
Isang dahilang nasabi niya ay sobrang mga teledrama. Sabi ni direk, kahit sa ngayon ay namamayagpag ang mga kadramahan sa TV, maaaring magsawa na ang mga tao sa panunood nito.
"Sa araw-araw na manood ka ng tatlo o apat na oras na drama, darating din sa puntong magsasawa ka na rito," sabi ni Maryo J. Ang naituro niya ay ang mga panggabing drama telebabad pa lamang. Nakalimutan niyang meron pa ng mga ganitong panoorin sa late morning at early afternoon. Kaya nadominahan na ng drama ang local TV industry.
Kasi naman mahilig talaga sa kadramahan tayong mga Pinoy. Sa ating pang-araw-araw na buhay, hitik na hitik sa drama. Maging sa mga sariling tahanan, sa opisina at sa iba pang lugar ng ating mga trabaho, o maging sa oras na libre tayong maglibang o mamasyalhindi nawawala ang drama.
Kung magkakaroon ng pagsusuri at accurate statistics, ilang porsyento kaya ng oras sa daily telecast ang share ng drama kontra sa comedy, mga balita at public affairs?
Ang forecast ni Direktor Maryo J., pag nagpatuloy sa kadramahan ang mga TV networks, malaki ang chance ng movie industry na makabawi sa latter part ng 2002 hanggang 2003.
Magsawa naman kaya tayo sa kadramahan, kung naging napakalaking bahagi na ito ng ating buhay at kultura? Lalo pa ngat libre ang panonood nito o walang bayad nating nasasalamin ang ating mga sarili sa mga panooring tulad nito.
Kaya naman tuloy ang pag-discover niya ng mga potential movie stars. Malaki ang tiwala niya sa Filipino artists at talents, kayat marami siya palaging mga new discoveries. Ang mga fresh talents kasing ito ang malaki ang naitutulong for his creative juices to continue to secrete. Mas inspirado si Marjo J. at kapag mga bagong artista ang katrabaho, although enjoy din siya sa mga dati nang mahuhusay na artista.
Iba kasi ang challenge at fulfillment sa paglikha ng bagong stars. Tulad na lang sa Laman na isang di kilalang Lolita de Leon ang bida.
Ngayon ay kukukuha siya ng voice lessons para naman ma-develop ang kanyang pagkanta. Siyempre ang susunod niyang hakbang ay umatend ng mga acting workshops.
Nagtapos ng high school sa St. Charles sa Pangasinan, lumuwas sa siyudad si Niko para pasukin ang showbiz. Tiniyak niya sa amin na kahit anong klaseng papel tatanggapin niya, mabigyan lang ng break.
"Kahit bold o comedy, puwede rin ako," sabi ni Niko. "Pero mas type ko ang action. Kung paghuhubarin, puwede rin. May ipapakita naman ako."
Sana naman may ipakita siyang... galing sa pag-arte.