Taga-singil ng Salbakuta iniisahan sila?
June 9, 2002 | 12:00am
Malumanay naman at may kahalong respeto siyang magsalita, pero pinainit pa rin ng isang nagngangalang Roselle Pacifico, ang aming ulo.
May sinulat kami sa isa naming kolum tungkol sa pagpapakilala niya na siya ang manager ng sikat na grupong Salbakuta, samantalang ayon sa grupo ng mga rapper ay booking agent lang naman pala siya, kaya humingi ng tulong sa amin ang Salbakuta para linawin ang posisyon ni Roselle.
Yun ang gustong ipabawi sa amin ni Roselle, mag-retract daw kami, sabihin daw naming manager siya ng Salbakuta at hindi basta booking agent lang.
Sabi namin kay Roselle ay bigyan niya kami ng pruwebang siya nga ang manager ng grupo, magbigay din siya ng kanyang panig sa isyu, at tulad ng ginawa namin sa Salbakuta ay ipiprisinta rin namin ang kanyang paliwanag.
Hindi raw sapat ang ganun dahil napahiya raw siya, kaya ang kailangan naming gawin ay ang i-retract sa aming kolum ang inilabas naming balita.
Dun na kami nagtaas ng boses kay Roselle, dahil unang-una ay hindi naman kami magkakilala para utusan niya kaming bawiin ang aming sinulat.
Pangalawa ay problema nila yun ng Salbakuta, nilapitan lang kami para hingan ng tulong, kaya sila-sila ang dapat mag-usap-usap tungkol sa isyung pinagtatalunan.
Pero para naman itaya namin ang kaisa-isang kredibilidad na puhunan namin sa pagsusulat ay hindi namin gagawin, nahihibang na yata sa lagnat ang babaeng ito para isipin niyang itataya namin ang mahalagang alas na yun para lang sa kanya.
Payo namin kay Roselle, sa susunod na may makakaengkuwentro siyang reporter na nagsulat din ng kaparehong balita ay huwag siyang mag-aatrebidang humingi ng retraction, dahil baka mamura lang siya.
Binanggit din namin kay Roselle na ang retraction ay hindi dapat magmula sa manunulat, kailangang upuan nila nang seryosohan ng Salbakuta ang problema, at kung ano ang totoo ay yun pa rin ang susulatin namin.
Ayon kay Roselle Pacifico ay may hawak daw siyang dokumentong nagpapatunay na siya ay manager ng Salbakuta at hindi basta booking agent lang.
Kinontra naman namin yun sa pagsasabing ang hawak niyang dokumento ay luma na, dahil pumirma na ng panibagong kontrata ang Salbakuta sa Viva Records.
Nagmamatapang ang kanyang boses, "So, thats another case for them!" sabi niya, kaya ang sagot naman namin ay puwede niyang idemanda ang grupo, kung sa palagay niyay may merito ang kasong isasampa niya.
Maya-maya ay balik na naman siya sa retraction, bawiin daw namin ang aming sinulat na booking agent lang siya.
Dun na nagmistulang machine gun ang aming bibig sa pagsasabi kay Roselle na hindi namin gagawin yun, walang manunulat na nasa kanyang tamang huwisyo ang papayag sa kanyang gusto, dahil kung may iniingatan siyang pangalan ay mas may dapat pangalagaan ang mga manunulat at yun ay ang kaisa-isa nilang armas na kredibilidad.
Nakalimutan tuloy naming itanong kay Roselle kung bakit kulang ang talent fee na ibinigay niya sa Salbakuta nung mag-show sila sa Bicol?
Katwiran daw ni Roselle ay naipang-abono niya sa ibang gastusin ang talent fee, na kung tutuusin ay hindi naman kargo ng Salbakuta?
Nakalimutan din naming itanong sa kanya kung bakit mali-mali ang pagbilang niya ng pera, ang sisentang transaksyon ay nagiging kuwarenta na lang, at ang trenta mil ay nagiging beinte na lang.
Habang kausap namin si Roselle ay nasa Iloilo ang Salbakuta, nakipag-usap siya na makikipagkita sa grupo para sa down-payment ng show, pero hindi naman siya sumipot sa lugar na pinag-usapan nila?
Tapos ngayon ay sasabihan niya kaming bawiin ang nauna naming sinulat na manager daw siya at hindi booking agent lang?
Alam kaya niya kung gaano kadelikado at kasensitibo ang terminong retraction sa hanapbuhay ng mga manunulat?
Ano yun, gusto niya kaming hubaran ng saplot sa katawan?
Binabangungot ba ang natanggal na empleyado na ito ng Viva Records o nahihibang?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am