Handang ipakita ang lahat ni Karen
June 9, 2002 | 12:00am
Maganda nga pala ang alaga ni Eddie Littlefield na si Karen Montelibano. Bukod sa maganda at sexy ay palaban din ito at may maiinit siyang eksena sa Diskarte with Emilio Garcia at Roy Alvarez.
May balak ang Maverick Films na bigyan siya ng launching movie at handa siyang magpa-sexy kahit pa mag-frontal nudity kung kinakailangan sa istorya. Puro breast exposure lang ang ginawa niya sa kanyang unang pelikula sa Sisid at dito nga sa Diskarte. "Im old enough naman (22 years old) para gawin ang gusto ko bastat sumikat lang. Maswerte nga ako dahil kahit ikalawang pelikula ko lamang ito ay nabigyan ako ng pagkakataong makasama ang paborito kong si Daboy. Napakabait niya at down-to-earth pa," aniya.
Naitanong namin kay Karen kung gusto ba niyang sumali sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Bukod sa magandang mukha ay may vital statistics itong 36-23-35 kaya puwedeng-puwede. Sinabi nitong wala siyang hilig magsasali sa mga beauty pageants.
Mismong si Ara Mina ang nagsabi na ayaw ni Rudy Fernandez na magpa-sexy sa pelikula. Ayaw nga nitong magtanggal ng kanyang boxer shorts kahit sa kanilang lovescene sa Diskarte. Katwiran ni Daboy ay hindi na maganda ang kanyang behind.
Pero sinabi ni Ara na mapapanood sa pelikula kung paano naging wild si Rudy na gumanap sa papel na ex-marine na nakulong dahil sa pagpatay sa mga taong pumaslang sa kanyang pamilya. Maganda ang mensaheng nakapaloob sa pelikula at sinasabing ang buhay ay tulad ng isang sugal, may nananalo at may natatalo.
Ayon kay Daboy, hindi naging dekorasyon si Ara sa pelikula dahil umiikot din sa kanya ang istorya. Ang kanilang wild scenes ang panlaban nila sa butt exposure ni Bong sa Kilabot at Kembot.
Panay lang ang ngiti ni Sunshine Dizon kapag tinatanong kung totoong may relasyon sila ni Cogie Domingo. Lagi niyang sagot na magkaibigan lang sila.
Pero ilang production staff ng Kung Mawawala Ka ang nagsasabing iba ang ikinikilos ng dalawa kapag nasa set. Dama nila na may pagtingin ang dalawa sa isat isa.
May nagpapadala ng mga bulaklak sa magandang aktres pero ayaw nitong sabihin kung kanino ito galing. May nagpapalagay na bigay ito ni Cogie sa kanyang kapareha.
Ayaw aminin ni Sunshine na nagkakadebelopan sila pero tiniyak nito na enjoy sila ni Cogie kapag magkasama dahil komportable sila sa isat isa.
Walang magiging problema si Sunshine dahil balitang boto ang mommy nito sa guwapong aktor.
Kung pagbabatayan ang popularidad ng banda na binubuo ng mga kabataang kalalakihan ay nangunguna ngayon ang Freshmen Band. Nasa market na ang kanilang debut album na binubuo ng labing-limang awitin gaya ng "Walang Hanggang Ligaya", "Pokpok", "Ikaw Lang Talaga", "Alas Onse", "Kita Kits sa Baso", "Drifted", "Heaven With You", "If You Only Knew", "Baka Sakali", "Silver Line", "Kulang Pa Ba", "Trip Mo Ba", "Oka ToKat" (the theme song), "Pokpok" (Acoustic version) at "Ive Fallen For You".
Ang mga miyembro ng Freshmen Band ay sina Walton Zerrudo (vocalist) Roel Aldana (vocalist), Edward dela Cruz (lead guitarist), Jerome Raymundo (bass guitarist), Trician Andres (keyboardist) at Daziel Ledda (drummer).
Ang second batch ng Freshmen Band ay nangangailangan ngayon ng lead guitarist, bass guitarist at vocalist. Ang edad ay mula 18 hanggang 25 at guwapo. Tumawag lang kay Ernie sa telepono blg. 285-33-73 para sa karagdagang detalye.
May balak ang Maverick Films na bigyan siya ng launching movie at handa siyang magpa-sexy kahit pa mag-frontal nudity kung kinakailangan sa istorya. Puro breast exposure lang ang ginawa niya sa kanyang unang pelikula sa Sisid at dito nga sa Diskarte. "Im old enough naman (22 years old) para gawin ang gusto ko bastat sumikat lang. Maswerte nga ako dahil kahit ikalawang pelikula ko lamang ito ay nabigyan ako ng pagkakataong makasama ang paborito kong si Daboy. Napakabait niya at down-to-earth pa," aniya.
Naitanong namin kay Karen kung gusto ba niyang sumali sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Bukod sa magandang mukha ay may vital statistics itong 36-23-35 kaya puwedeng-puwede. Sinabi nitong wala siyang hilig magsasali sa mga beauty pageants.
Pero sinabi ni Ara na mapapanood sa pelikula kung paano naging wild si Rudy na gumanap sa papel na ex-marine na nakulong dahil sa pagpatay sa mga taong pumaslang sa kanyang pamilya. Maganda ang mensaheng nakapaloob sa pelikula at sinasabing ang buhay ay tulad ng isang sugal, may nananalo at may natatalo.
Ayon kay Daboy, hindi naging dekorasyon si Ara sa pelikula dahil umiikot din sa kanya ang istorya. Ang kanilang wild scenes ang panlaban nila sa butt exposure ni Bong sa Kilabot at Kembot.
Pero ilang production staff ng Kung Mawawala Ka ang nagsasabing iba ang ikinikilos ng dalawa kapag nasa set. Dama nila na may pagtingin ang dalawa sa isat isa.
May nagpapadala ng mga bulaklak sa magandang aktres pero ayaw nitong sabihin kung kanino ito galing. May nagpapalagay na bigay ito ni Cogie sa kanyang kapareha.
Ayaw aminin ni Sunshine na nagkakadebelopan sila pero tiniyak nito na enjoy sila ni Cogie kapag magkasama dahil komportable sila sa isat isa.
Walang magiging problema si Sunshine dahil balitang boto ang mommy nito sa guwapong aktor.
Ang mga miyembro ng Freshmen Band ay sina Walton Zerrudo (vocalist) Roel Aldana (vocalist), Edward dela Cruz (lead guitarist), Jerome Raymundo (bass guitarist), Trician Andres (keyboardist) at Daziel Ledda (drummer).
Ang second batch ng Freshmen Band ay nangangailangan ngayon ng lead guitarist, bass guitarist at vocalist. Ang edad ay mula 18 hanggang 25 at guwapo. Tumawag lang kay Ernie sa telepono blg. 285-33-73 para sa karagdagang detalye.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended