Ang programa ay isang TV news magazine program na napapanood na sa panahon pa ng mga dating Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada. Itinatampok dito ang mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon at ang mga gawain ng isang pangulo. Para mas mapalapit pa ang programa sa masa, lalo na sa mga kabataan, nagpasya ang Malacañang na kumuha ng isang kabataan na may credible personality para maging host.
Nag-komisyon ang Malacañang ng isang mapagkakatiwalaang ad agency para gumawa ng survey kung sino ang most preferred personality in the country today. Isa sa mga lumabas ay ang pangalan ni Jolina. Nagsagawa ng isang background check sa kanya at sa kanyang pamilya na kung saan ay lumabas ang marami niyang humanitarian and civic endeavors, ang kanyang mga showbiz, academic at social achievements dito at sa ibang bansa. Nakita rin ang kanyang mga entrepreneurial projects.
Ang The Working President ay napapanood tuwing Biyernes, 7-8 ng gabi sa NBN 4; Sabado, 8-9 ng umaga sa ANC 21 (Skycable); 12 n.t.-1 n.h. sa IBC 13; 5-6 ng gabi sa Ch. 11 (Home Cable); 11 ng gabi-12 ng umaga sa RPN 9; Martes; 10-11 ng gabi sa RPN 9; 7:30-8:30 ng gabi sa ICS TV 56 (Destiny cable) at Huwebes, 10-11 ng umaga sa RPN 9.
"Matagal ko nang gustong mailapit ang entertainment industry at ang kabataan sa Pangulo at makatulong para maipaabot sa tao ang mga ginagawa ng gobyerno. Sa pamamagitan ng aking bagong gawain, magagawa ko na ito," ani Jolina.
Bukod sa kanya ay may dalawa siyang anak na katulong niyang nagmamaneho ng Admiral Maritime Training Institute, isa ay humahawak ng posisyon bilang EVP at ang ikalawa ay VP. May isa siyang anak na nangangasiwa ng kanilang printing press at ang ikaapat niyang anak ay naninirahan na sa US.
Ipinagkakapuri ni Gng. Angeles na number one sa maritime training ang kanyang kumpanya. Kaya naman hindi maiwasan na intrigahin sila ng mga kalaban at pilit na pinababagsak sila sa pamamagitan ng pagi-issue ng mga pekeng certificates na pinalalabas na galing sa kanila.
"May demanda na ako sa kanila. Kasalukuyang on-going ang mga kaso at nagpapasalamat ako na alam na rin ng kinauukulan ang mga katiwaliang nagaganap sa aking negosyo. Kaunting reklamo lamang ay nag-iimbestiga na sila," ani Offie na kamakailan ay tumanggap ng parangal mula sa 125th PCGA Squadron CGAD NCR-CL para sa kanyang mga suporta sa Philippine Coast Guard.