Direktor na si Dingdong Dantes !
June 8, 2002 | 12:00am
Sa June 12 pa ang simula ng Manila Film Festival, pero nakakatanggap na kami ng feedback tungkol sa mga pelikulang kalahok dito. Ang iba kasi ay nai-submit na sa MTRCB for classification, ang iba naman ay napanood na ang rushes ng movie.
From a MTRCB member, nalaman naming nag-enjoy sila ng mga kasama niya sa committee sa panonood ng I Think Im In Love dahil very entertaining, very wholesome at may chemistry sina Joyce Jimenez at Piolo Pascual. General Patronage ang pelikulang ito ng Regal Films.
Mula naman sa nakapanood na ng rushes ng Magkapatid ng Viva Films, isa na naman daw ito sa obra maestra ni Direk Joel Lamangan at pinuri nila ang acting dito ni Sharon Cuneta na sa palagay nila ay siyang pwedeng tumanggap ng best actress trophy sa awards night ng festival.
Wala pa kaming feedback sa Mamasan ni Elizabeth Oropesa, na siya raw ang malakas na kalaban ni Sharon, bukod pa kay Judy Ann Santos sa pagka-best actress.
Dinalaw namin ang taping ng first TV directorial job ni Dingdong Dantes, ang Kakabakaba na may episode na "Sumpa Ng Manikin". Inabutan namin si Dingdong sa OB van at pinapanood ang katatapos na eksena, bago namin siya nakausap.
"Nang magising ako kaninang umaga, parang hindi maganda ang pakiramdam ko, siguro dahil ngayon na nga ang taping ko," sabi ni Dingdong na ayaw patawag na direk. "Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano ako magsisimula, although naihanda ko na kagabi pa ang lahat. Pero bigla akong nabuhayan ng loob nang dumalaw sa set sina Gil Tejada, si Carmi Martin na binisita rin ang isa sa mga guests na si Gladys Reyes, si Tanya Garcia na katambal ko sa Sana Ikaw Na Nga. Sinuportahan nila ako at pinalakas nila ang loob ko, kaya nagpapasalamat ako sa kanila. Salamat din sa GMA-7 sa pagtitiwala nila sa akin."
Special guest niya si Jolina Magdangal sa unang paggi-guest nito sa GMA-7 at sabi ni Dingdong, "shes very professional, she comes on time sa set, and she delivers well." Bukod kina Jolina at Gladys, kasama rin sina Gabby Eigenmann, Aleck Bovick, Manny Castañeda, Tiya Pusit at Dick Israel sa nasabing episode.
Matagal na palang dream ni Dingdong ang magdirek sa TV dahil may elective siya sa communication arts sa film directing. Pinag-submit siya ng GMA-7 ng demo tape na ginawa niya noon sa Ateneo University, ganoon din iyong video tape na ginawa niya tungkol kay Antoinette Taus na ipinalabas sa GMA.
Freelancer na talaga si Jolina Magdangal. Bukod sa paggi-guest sa ilang programa ng GMA-7, nag-guest din siya sa special anniversary presentation ng Beh, Bote Nga last June 5. Malamang na mapanood na rin siya sa Eat Bulaga every Saturday.
Meanwhile, tuloy ang pagsasama nila ni Tito Dolphy sa isang pelikula na gagawin ng RVQ Productions na intended for the Metro Manila Film Festival Philippines 2002. Si Eric Quizon ang magdidirek. Ginagawa na raw ang sequence treatment ng movie at hinihintay na lamang ang pagbabalik ni Tito Dolphy any day now, from a vacation in the States with son Vandolph at magkakaroon na sila ng story conference.
Yong balitang magsasama rin sana sina Jolina at Fernando Poe, Jr., ay hindi na muna matutuloy, dahil nag-give way daw si FPJ nang malaman niyang kinuha na rin ni Tito Dolphy si Jolina.
Tuloy pa rin ang Arriba! Arriba! niya sa Channel 2 kahit wala na siyang contract sa ABS-CBN.
This month, may bagong commercial ding ipalalabas si Jolina at sa June 20, ang taping niya sa Radio TV Malacañang (RTVM) sa kanyang one-on-one interview with President Gloria M. Arroyo,
From a MTRCB member, nalaman naming nag-enjoy sila ng mga kasama niya sa committee sa panonood ng I Think Im In Love dahil very entertaining, very wholesome at may chemistry sina Joyce Jimenez at Piolo Pascual. General Patronage ang pelikulang ito ng Regal Films.
Mula naman sa nakapanood na ng rushes ng Magkapatid ng Viva Films, isa na naman daw ito sa obra maestra ni Direk Joel Lamangan at pinuri nila ang acting dito ni Sharon Cuneta na sa palagay nila ay siyang pwedeng tumanggap ng best actress trophy sa awards night ng festival.
Wala pa kaming feedback sa Mamasan ni Elizabeth Oropesa, na siya raw ang malakas na kalaban ni Sharon, bukod pa kay Judy Ann Santos sa pagka-best actress.
"Nang magising ako kaninang umaga, parang hindi maganda ang pakiramdam ko, siguro dahil ngayon na nga ang taping ko," sabi ni Dingdong na ayaw patawag na direk. "Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano ako magsisimula, although naihanda ko na kagabi pa ang lahat. Pero bigla akong nabuhayan ng loob nang dumalaw sa set sina Gil Tejada, si Carmi Martin na binisita rin ang isa sa mga guests na si Gladys Reyes, si Tanya Garcia na katambal ko sa Sana Ikaw Na Nga. Sinuportahan nila ako at pinalakas nila ang loob ko, kaya nagpapasalamat ako sa kanila. Salamat din sa GMA-7 sa pagtitiwala nila sa akin."
Special guest niya si Jolina Magdangal sa unang paggi-guest nito sa GMA-7 at sabi ni Dingdong, "shes very professional, she comes on time sa set, and she delivers well." Bukod kina Jolina at Gladys, kasama rin sina Gabby Eigenmann, Aleck Bovick, Manny Castañeda, Tiya Pusit at Dick Israel sa nasabing episode.
Matagal na palang dream ni Dingdong ang magdirek sa TV dahil may elective siya sa communication arts sa film directing. Pinag-submit siya ng GMA-7 ng demo tape na ginawa niya noon sa Ateneo University, ganoon din iyong video tape na ginawa niya tungkol kay Antoinette Taus na ipinalabas sa GMA.
Meanwhile, tuloy ang pagsasama nila ni Tito Dolphy sa isang pelikula na gagawin ng RVQ Productions na intended for the Metro Manila Film Festival Philippines 2002. Si Eric Quizon ang magdidirek. Ginagawa na raw ang sequence treatment ng movie at hinihintay na lamang ang pagbabalik ni Tito Dolphy any day now, from a vacation in the States with son Vandolph at magkakaroon na sila ng story conference.
Yong balitang magsasama rin sana sina Jolina at Fernando Poe, Jr., ay hindi na muna matutuloy, dahil nag-give way daw si FPJ nang malaman niyang kinuha na rin ni Tito Dolphy si Jolina.
Tuloy pa rin ang Arriba! Arriba! niya sa Channel 2 kahit wala na siyang contract sa ABS-CBN.
This month, may bagong commercial ding ipalalabas si Jolina at sa June 20, ang taping niya sa Radio TV Malacañang (RTVM) sa kanyang one-on-one interview with President Gloria M. Arroyo,
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended