Tomorrow, June 8, ang pilot episode ng Feel at Home With Charlene, sa Channel 2, 10:30 a.m. Dati itong show ni Tessie Tomas na nasa isang European tour with her husband.
Syempre, may mga changes sa mga segments, pero si Charlene ang personal na magiinterview sa kanyang mga subjects at siya ang pupunta sa mga lugar na ipi-feature niya sa show. Ibang-iba ito sa dati niyang show na Keep On Dancing pero isa raw malaking challenge sa kanya at feel niyang magi-enjoy siya talaga.
Samantala, gumanda ang bonding nina Sharon at KC nang magpunta sila ng Paris before the Holy Week. Wala raw silang ginawa kundi mamasyal, lahat daw yata ng coffee shop ay pinuntahan nila, tinikman nila lahat ng klase ng coffee at crepes at sa gabi, all kinds of cheese ang dinner nila. Binisita rin nila ang American university sa Paris pero mas gusto pa rin daw ni KC ang mag-aral sa Boston after high school.
Sinabi rin ni Sharon na tuloy pa rin ang communication ni KC sa ama nitong si Gabby Concepcion dahil nagtatawagan sila either sa cellphone o sa telephone.
Hanggang maaari ayaw daw niyang isipin na festival entry ang movie nila dahil naroon ang expectation ng mga tao sa kanya.
Pinilit namin si Juday na i-compare si Dingdong Dantes kay Piolo Pascual.
"Pareho silang tahimik, magkaiba sila sa pagpapakita ng thoughtfulness, in fairness, pareho silang mabango, ang mga eyes ni Piolo, malamlam pero may ibig sabihin, si Dingdong, matapang ang mga eyes pero very expressive."
Sang-ayon kay Juday, sa buong month of June, mapapanood pa rin siya sa SOP pero starting July, every Wednesday, isa na siya sa co-host sa Magandang Tanghali Bayan sa Channel 2, not Saturday dahil madalas daw na may out-of-town shows siya kung weekend.
Minsan nga ring naimbitahan niyang kumanta si Troy sa isang beauty pageant na ginawa nila sa kanilang Catholic group na Banal Na Pag-aaral, to raise funds para sa kanilang charity projects.
Ngayon ito ang pinagkakaabalahan ni Nikki, bukod sa kanyang mga TV shows at movies. May series of concert siya, ang Nikki Valdez... Beyond Limits for the benefit of The Shrine ng Banal Na Pag-aaral, na kasalukuyang ipinatatayo ngayon sa Amadeo, Cavite, for retreats and other religious activities ng kanilang community na ngayon ay mayroon place of worship sa Novaliches. Graduate dito si Nikki at ang kanyang family noon pang 1996. Isa rin sa graduate dito si Ariel Rivera.
First leg ng concert ni Nikki ay magsisimula sa June 14 sa Panabo Gym, Davao del Norte at 7:30 p.m., sa June 16 naman sa The Venue sa Davao City. Sa June 29, nasa Corpus Christie Auditorium naman si Nikki. Sa July, naka-schedule naman ang concert niya sa Sydney at Melbourne, Australia. Lahat ng proceeds ng concert ay mapupunta sa ipinatatayong Shrine, dahil ang mga producers nito ay ang chapter din ng Banal na Pag-aaral sa mga lugar na pagdarausan ng concert.
Busy nga rin si Nikki na ipinagpatuloy na ang pagiging comedienne sa Ok, Fine Whatever. Since nakitang nag-click siya sa role niya sa Got 2 Believe ng Star Cinema. Semi-regular pa rin siya sa ASAP kung Sunday. Nagsu-shoot na rin siya ng Jologs sa Star Cinema at soon, magsisimula na silang mag-shooting ng Tanging Ina with Aiai delas Alas na gaganap siyang isa sa mga anak ni Aiai. Nagsimula na rin siyang mag-shooting ng Perfect Guys, Ok, Alright (tentative title) ng Octo Arts Films at makakasama niya sina Ogie Alcasid, Michael V., Michelle Bayle at Redford White na ididirek ni Tony Reyes.