Isang magandang karma rin ang tagumpay ng pelikula para kay Bong na nagbigay daan sa kanyang kaibigang si Rudy Fernandez na may pelikulang natapos na, ang Diskarte kasama si Ara Mina na palabas sa Manila Film Festival. Iniatras ni Bong ang Kilabot at Kembot sa nasabing Pista ng Pelikula sa Kamaynilaan at inaagahan na lamang ang pagpapalabas nito para hindi na sila magkasakitan pa sa takilya ni Daboy.
Nang tanungin namin kay Daboy kung makakaya ba niyang gawin ang paghuhubad na ginawa ni Bong sa kanyang movie, sinabi niyang "Kung nun hindi ako nag-bold, ngayon pa kaya. At saka wala na akong puwet," sagot niya.
Idinagdag din niya na may mga torrid love scenes sila ni Ara Mina. "Pero, may damit ako, naka-expose lang yung itaas na bahagi ng katawan ko. Siguro ang maipagmamalaki ko na lamang ay ginawa ni Boy Vinarao (the movies director) na as realistic as possible ang mga action scenes at nilagyan niya ito ng magagandang fight choreography.
"Ang gagaling din ng mga support cast ko, sina Jonee Gamboa, John Arcilla, Menggie Cobarrubias at yung kontrabida ko. Talagang pinili sila Tirso Cruz III, Roy Alvarez at Emilio Garcia. May introducing din kami sa movie, si Karen Montelibano. Ang ganda niya at matapang mag-expose ng katawan. You should watch her. Marami siyang tatakuting bold stars."
Pagkatapos ng Utang Ni Tatang, may kasunod na movie pa si Maricar na kung saan ay makakasama niya sina Wendell Ramos at Yul Servo sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Isa itong trilogy na may tentative title na Bedtime Stories. Makakasama rin siya sa Erlinda Marikit, isang experimental movie na susubuking gawin ng mag-asawang Totoy at Jojo Galang tungkol sa kabaklaan at magtatampok din sa isang sikat na aktor sa title role.
"Wala naman akong kontrata sa World Arts Cinema. Siguro natutuwa lamang sa akin ang mga producers kaya pinagkakatiwalaan nila ako ng kanilang mga pelikula. Napaka-caring ng aking mga producers, ang turing nila sa akin ay hindi artista kundi anak," ani Maricar.
Mahiwaga kumbaga ang Utang Ni Tatang. Title pa lamang nakakaintriga na. Wala itong intensyong maghasik ng comedy at gags pero matatawa ang mga manonood hindi dahil nagpapatawa ang mga artista kundi dahil nakakatawa ang sitwasyon. Sa ending malalaman ng manonood kung ano ang Utang Ni Tatang.