Dennis Trillo, excited kay Angelene Aguilar

Excited ang guwapong newcomer na si Dennis Trillo sa bago niyang ka-loveteam, si Angelene Aguilar. Nakatakdang ipakilala ang loveteam nila sa K2BU, the show replacing G-mik na magsisimula sa June 8.

"Excited ako," sabi ng cute na Close Up Boy. "Sweet si Angelene. Mabait at mapagmahal sa magulang. Parang ako rin."

In K2BU, Dennis plays Coby, isang rich college boy na mai-in love kay Angelene. "Exciting ’yung first few episodes namin. May twist. Basta! I will make a great change in her life. Sana abangan nila," relates Dennis.

Mula sa direksyon ni Erik C. Salud. Also joining the cast are Shaina Magdayao, Bea Alonzo, Pia Romero, Adrian Albert at Alwyn Uytingco.

Show comments