Naroroon si Leah Navarro na sumikat nung mga panahon ng Sitenta.
Sayang, dadalawa ang dumating na myembro ng VST & Co. I heard na ang paggi-guest nila sa TV ang nagbigay ng ideya sa mga producer na i-produce ang nasabing konsyerto. Hinahanap ng tao especially si Vic Sotto.
Dadalawa rin ang Boyfriends pero, hindi na mahalaga kung kulang sila, pinalakpakan sila dahil, nasa tyempo pa rin sila at tila di pa nagbabago ang mga boses nila.
Ang galing talaga ng Hotdog. Umugong ang buong lugar nang lumabas sila at kumanta. Ang taba na ni Rene Garcia pero, mabilis pa rin kumilos at maganda pa rin ang boses. Kinanta nila yung mga popular nilang Manila Sound hits.
Kitang-kita mo at feel na feel ang kasabikan sa kanila ng mga tao na hindi magkamayaw sa pagpalakpak at pagsigaw habang pandalas naman ang indak.
It was really a show of Marvin Queridos Q&A. Sila ang may pinaka-maraming bilang. But the audience didnt mind. Parang ang mahalaga lamang sa kanila ay kung magaling ang grupo o hindi. At dahil sa magaling ang Q&A at revivals ang specialty nila, they more than made up for the other groups na sumikat nung 70s pero wala dun sa concert.
Kahit lampas na ng alas onse ng gabi ay marami pa rin ang nagsasayaw. Wala ring tigil sa pagtugtog ang isang three piece orchestra. Ganun kahilig sa dancing ang mga Pinoy. At kung gaano sila kahusay kumanta, ganun din sila kahusay magsayaw.
I was informed na napuno rin ang lugar kaya nga abot tenga ang ngiti ng aming kaibigang si Cris who will be able to do her good deed this year para sa ilang bright students na hindi makayang papag-aralin ng kanilang mga magulang.
Sinabi ni Emilio sa presscon ng nasabing pelikula na isa si Daboy sa mga action star na gamay na niyang makatrabaho.
"Nakikipagkwentuhan siya sa amin during breaks at tumatanggap ng suggestion lalo na para sa ikagaganda ng pelikula. Pag siya ang kinokontrabida ko ay di nagiging stiff ang performance ko, paano alam ko na nakaalalay din siya sa akin," aniya.
Hindi naman ibig sabihin na hindi na niya kagamay ang iba pang bida. Kumportable rin siyang makasama si Eddie Garcia.
Alam ni Emilio na epektibo siyang kontrabida. "Maraming tao ang galit sa akin. Minsan hindi nila maihiwalay ang pelikula sa tunay na buhay. Kaya minsan nakikita ko na lang na may gasgas ang kotse ko, hindi aksidente ha, kundi sinasadya, dahil galit sila sa akin," dagdag na kwento niya.
Ang iba pang kontrabida sa Diskarte ay sina Tirso Cruz lll at Roy Alvarez. "Magkasama kami ni Tirso sa grupo pero, si Roy, sinabotahe ko," imporma ni Emilio.