^

PSN Showbiz

Robin at Jacky, bida sa 'SATSU'

-
Isang bagong panoorin sa TV ang magbibigay ng ibayong kasiyahan sa mga manonood simula sa Hunyo 19, 10:00 ng gabi sa IBC 13. Isa itong produksyon ng Forward Group na pinamagatang S.A.T.S.U. at magtatampok sa unang pagkakataon sa tambalan nina Robin Padilla at Jacky Woo. Parehong mga kinikilala sa kanilang istilo ng pag-arte ang dalawa.

Ang SATSU ay tumatayo sa Strategic and Tactical Surveillance Unit at kapwa pulis ang role nina Robin at Jacky.

Si Robin si Vic, ang kabataang pulis na gustong ipagpatuloy ang sinimulan ng kanyang ama na isa ring pulis na napatay sa tungkulin. Si Jacky naman, si Jackie Shimada na na-assign sa Pilipinas. Habang naririto, hahanapin na rin niya ang kanyang bayaw na pumatay sa kanyang kapatid at kasalukuyang nagtatago sa bansa. Magkakatulungan sila ni Vic.

Medyo nahirapan si direktor Al Tantay sa SATSU dahil Nipongo lamang ang salitang alam ni Jacky, pero ang pangyayaring ito ay nakatulong pa para magkaroon ng mga nakatutuwang eksena ang bagong serye na isang comedy action at nagtatampok din kina Rufa Mae Quinto, Ricardo Cepeda, Dexter Doria, Ernie Zarate at Alicia Lane.

vuukle comment

AL TANTAY

ALICIA LANE

DEXTER DORIA

ERNIE ZARATE

FORWARD GROUP

JACKIE SHIMADA

JACKY WOO

RICARDO CEPEDA

ROBIN PADILLA

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with