Sunshine, sama sa movie shoot ni Cesar sa Australia

Lahat ay gagawin at kakayanin nang mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz para sa ikatitibay at ikasasaya ng kanilang pamilya.

Pareho silang supportive sa kani-kanilang activities sa labas at loob ng kanilang tahanan. Si Sunshine ang latest model ng Petit Monde at sinamahan siya ng kanyang asawa sa pictorial nito sa Bangkok. Ngayon naman si Cesar ang pupunta ng Australia para sa gagawin nitong movie, hindi rin magpapaiwan si Sunshine. Sasamahan niya si Cesar sa pag-alis nito. Hindi lang para suportahan ang asawa, kundi gusto niyang siya mismo ang mag-asikaso ng mga personal na pangangailangan ng asawa. – LMS

Show comments