Come June 8, ipakikila sina Shaina Magdayao, Angelene Aguilar, Pia Romero at Bea Alonzo sa bagong programang K2BU, ang programang ipapalit sa G-Mik na magtatapos ngayong Sabado. Ang apat na new stars (although si Shaina ay datihan na), ay bida na sa nasabing drama series ng ABS-CBN. Kakaiba ang concept ng K2BU dahil may pagka-interactive ito. Meaning, may participation ang viewers.
Siyempre to add spice sa kwento ng apat na girls, magkakaroon sila ng kani-kanilang loveteam.
Si Shaina ay ipapareha kay Alwyn Uytingco, ang dating child star na ngayon ay binatilyo na. Mayroon na ring following ang dalawa dahil magkasama sila sa OkaTokat.
Si Angelene naman ay makakapareha si Dennis Trillo. Marami ang nagsasabi na bagay sila dahil may similarity ang features. Nagkasama na rin sila sa ilang shows at minsang naging presentor sa Star Awards for Movies this year. Unang nakilala si Dennis bilang pinaka-latest na Close Up boy at kasama rin sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan.
Si Bea naman ay may kapareha in person of Adrian Albert. Si Adrian ay member ng Star Cirle 10 at gumaganap bilang Thirdy sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan.
Si Pia ay makakapareha si Miko Palanca, ang nakakabatang kapatid ni Bernard Palanca. Bagay sila dahil pareho silang matangkad.
Kaya abangan natin ang apat na bagong loveteams na ito ng ABS-CBN sa K2BU na magsisimula na sa Sabado, June 8. Kasama rin dito ang mga veteran stars na sina Cherie Pie Picache, Chat Silyan, Rez Cortez, Bonggoy Manahan at Buboy Garovillo. Mula ito sa direksyon ni Erick Salud.
In fact, ginagawa niya ngayon ang Biglang Liko where he plays a probinsyano na lumuwas ng Maynila para hanapin ang kanyang kasintahan.
"Daring pa rin ang role pero serious ito," sabi ng mahusay na aktor. "Parang Bembol Roco ang role ko dito sa Maynila Sa Kuko Ng Liwanag."
Hindi pa rin talaga maiiwasan ni Gerald na gumawa ng sexy role pero ang sinisiguro niya, maibibigay niya ang acting requirements ng role. Hindi bat kahit noon ay nalinya sa sexy ay pinatunayan ni Gerald ang kanyang pagiging aktor sa mga pelikulang Sana Pag-ibig Na kung saan nakakuha siya ng nomination sa Gawad Urian sa Best Actor Category.
Bukod sa Biglang Liko, mayroon din siyang importanteng role sa Ginataang Apoy, ang movie nina Aga Muhlach at Claudine Barretto under Star Cinema.
"Maliit lang ang role ko rito pero tuwang-tuwa ako dahil parang nakapasok ako sa mainstream movie production. Malaking kumpanya ang Star Cinema at flattered ako dahil nagtiwala sila sa kakayahan ko. I hope, hindi naman ako mapahiya," sabi ni Gerald.
At dahil mahusay na aktor, hindi pwedeng mawalan ng puwang si Gerald sa showbiz. Sana nga ay magtulu-tuloy ang pagdating ng magandang projects sa kanya.