"This is my first movie and I cried when I couldnt attend the first presscon because of an illness," aniya. Ito rin ang karamdaman na nagdala sa kanya sa ospital at naging sanhi kung bakit lubha siyang napakapayat ngayon.
When asked kung kamusta na ang relasyon nila ng anak ni Vilma Santos na napakalaki ng paggalang at papapahalaga niya dahilan sa napakagandang pagpapalaki na ginawa nito kay Lucky, lumamlam ang kanyang mga mata at parang mapapaiyak na siya pero, nagawa niyang pigilin ang kanyang emosyon sa pamamagitan ng pagsasabi na cool off sila ngayon. "May problem kami ngayon and Lucky needs space. May issue on both of us but we hope to resolve it.
"No, it has nothing to do with the ecstasy issue because I know that is not true. I just symphatize with him because just when he has gotten himself fit and ready for commercial, that issue came out. I was the one who inspired him to exercise and eat healthy foods."
Will she marry him if he asked her?
"It wouldnt be a smart thing for us to marry at this point. He knows I love him and he loves me too but hes young and he has a lot going for him. But I think Lucky is a little lost and until he finds his way, marriage is not a safe idea," dagdag pa niya.
***** Kahit wala siyang lovelife for the moment, napakarami namang blessing na dumarating ngayon sa buhay ni Nikki Valdez. Matapos ang matagumpay na Got 2 Believe, sisimulan na niya ang kanyang Nikki Valdez... Beyond Limits concert na magdadala sa kanya sa maraming bahagi ng bansa. Ang konsyerto ay gagawin niya para sa kapakanan ng The Shrine, isang itatayong retreat house sa Amadeo, Cavite.
Ang mini-concert ay magsisimula sa Hunyo 14 sa Panabo Gym, Davao del Norte, 7:30 n.g. Susunod dito ang sa The Venue, Davao City sa Hunyo 16. Pupunta rin siya ng Midsayap, Cotabato, Notre Dame College sa Hunyo 22 at sa Cagayan de Oro, Corpus Christie Auditorium sa Hunyo 29.
Happy na sa takbo ng kanyang buhay si Nikki.
"After seven months, matagal ko nang natanggap ang sitwasyon. Ito lamang naman ang mahirap nung una, yung acceptance. Once na natanggap ko na, I was able to move on. Ngayon, okay na ako kapag nagkikita kami. I cant say that we are friends pero civil kami sa isat isa," sabi niya.
Nikki is busy shooting Jologs para sa Star Cinema. Gagawin din niya ang Tanging Ina at isa pang pelikula na kasama si Redford White para sa Octo-Arts Films.
Napapanood siya sa TV tuwing Martes, 9 n.g. sa Ok Fine Whatever ng ABS CBN.