Babaeng 'Urban Doktor'
June 3, 2002 | 12:00am
Nais ba ninyong malaman kung ano ang bago sa inyong paboritong reality-based health TV show na Urban Doktor? Ang ating Urban Doktor ay may bago nang mukha, literally speaking. Isang maganda at batang doktora ang papalit kay Doc Ed Tolentino sa pagbibigay ng "med-infotainment" bawat Linggo.
Ito ay walang iba kundi si Donnaville Francisco Ortiz, 26, na nakatapos ng Doctor of Medicine sa UP Manila noong nakaraang taon at opisyal na naging doktor nang makapasa sa medical board exam. Sa ngayon, abala si Doc Donna sa pagiging isang general practitioner sa Richstone Surgicare Center sa Quezon City at pag-aaral para sa Medical Licensure Exam ngayong taon. Pag siya ay hindi busy sa pagiging isang doktor at estudyante, abala si Doc Donna sa pagpapanatili ng kanyang fit na katawan sa pamamagitan ng pagjo-jogging, wall climbing, at paglalaro ng badminton. Sa bahay naman, ang hobbies na pinagkakaabalahan niya ay ang pagbabasa, pagluluto at pakikinig ng music. Mahilig din siyang mag-out-of-town trips kasama ang kanyang mga kaibigan.
Subalit ano nga ba ang nagbigay-daan upang siya ang maging bagong Urban Doktor? Ang kanyang nakababatang kapatid na si TJ na nagtatrabaho sa Ideal Minds Corp., creator ng Urban Doktor at iba pang reality-based TV shows sa ABC 5, ang nagsilbing tulay para ito ay maisakatuparan. Nang malaman niya na nag-quit si Doc Ed sa pagho-host, hindi na siya nagsayang ng oras para kumbinsihin ang kanyang kapatid upang mag-audition.
Sa pagnanais na makapag-educate at makapag-create ng awareness tungkol sa mga isyung pangkalusugan, tinanggap ni Doc Donna ang responsibilidad na maging Urban doktor. "I was really surprised to find how less people know about certain things that directly concern them and their health most especially," paliwanag ni Doc Donna.
Bilang bagong Urban Doktor, aminado si Doc Donna na nasa getting-to-know stages pa siya at marami pa siyang dapat malaman tungkol sa hosting. Aniya isang challenge ang pagho-host ng Urban Doktor dahil mahirap ipaliwanag ang mga medical issues in laymans terms at sa wikang Filipino. Ito ang unang experience niya sa pagho-host ng TV show, ngunit ito rin ang nagsisilbing reunion nila ng ABC 5 dahil siya ay naging high shcool student representative noon sa panel of speakers sa show ni Randy David na Public Forum.
Kung nais ninyong mabighani sa angking kagandahan at katalinuhan ni Doc Donna, at malaman ang ibat ibang facts at solutions sa lumalaking problema ukol sa cholesterol, manood kayo ng Urban Doktor ngayong Martes, alas-nueve y medya ng gabi sa ABC.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended