Ginampanan ni Allen ang papel ni Gusting, isang slow-learner-battered lover ni La Oropesa sa pelikula. Low IQ siya pero lovable at sympathetic. "Nagtitiis ako sa panlalait at pananakit ni Mama Sandra (Elizabeth Oropesa) dahil siya ang nag-iisang taong nagbigay sa akin ng atensyon sa kabila ng pagiging abnormal ko. In the end ay mari-realize niya na ako lang ang tanging lalaki na nagmahal sa kanya sa kabila ng kakulangan ko," dagdag ni Allen tungkol sa role niya sa movie.
Hindi ba siya nahirapang makipag-sabayan ng acting sa beteranang actress? "Sa umpisa ay nakakailang pero napakabait ni La Oropesa. Inalalayan niya ako lalo na sa mga dramatic scene namin," may pagmamalaking kuwento ng sexy actor.
May mga humuhula na baka ang pelikulang ito ang magbigay sa kanya ng award dahil impressive raw talaga ang acting niya. "Nakakataba ng puso kasi napansin nila ang acting ko. Masarap manalo ng award pero hindi ako nagi-expect."