^

PSN Showbiz

Allen hindi na maawat sa pag-angat

-
Hindi na maawat ang pag-angat ng career ni Allen Dizon ngayong leading man siya ng award winning actress na si Elizabeth Oropesa sa Mamasan. Masayang-masaya si Allen dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naging leading man siya ng isa sa pinakamahusay na artista ng bansa. "Napakalaking break ang ibinigay sa akin ng FLT Films," natutuwang pahayag ng actor.

Ginampanan ni Allen ang papel ni Gusting, isang slow-learner-battered lover ni La Oropesa sa pelikula. Low IQ siya pero lovable at sympathetic. "Nagtitiis ako sa panlalait at pananakit ni Mama Sandra (Elizabeth Oropesa) dahil siya ang nag-iisang taong nagbigay sa akin ng atensyon sa kabila ng pagiging abnormal ko. In the end ay mari-realize niya na ako lang ang tanging lalaki na nagmahal sa kanya sa kabila ng kakulangan ko," dagdag ni Allen tungkol sa role niya sa movie.

Hindi ba siya nahirapang makipag-sabayan ng acting sa beteranang actress? "Sa umpisa ay nakakailang pero napakabait ni La Oropesa. Inalalayan niya ako lalo na sa mga dramatic scene namin," may pagmamalaking kuwento ng sexy actor.

May mga humuhula na baka ang pelikulang ito ang magbigay sa kanya ng award dahil impressive raw talaga ang acting niya. "Nakakataba ng puso kasi napansin nila ang acting ko. Masarap manalo ng award pero hindi ako nagi-expect."

vuukle comment

ALLEN DIZON

ELIZABETH OROPESA

GINAMPANAN

INALALAYAN

LA OROPESA

MAMA SANDRA

MAMASAN

MASARAP

MASAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with