Six and a half-months pa lamang ang baby sa tiyan ni Jean nang itoy lumabas na tumitimbang lamang na 1 lb. at 15 ounces kaya agad itong inilagay sa incubator na tumagal ng halos dalawang buwan. Pero ngayon ay ligtas na ang bata at tumitimbang na ng mahigit 4 lbs. at anumang araw ay puwede nang ilabas ni Jean.
Ang bagong silang na baby boy ay pinangalanan ni Jean na Kotaro, anak niya sa kanyang Japanese boyfriend. Ang eldest daughter ni Jean (sa aktor na si Jigo Garcia) na si Jennica ay 12 years old na ngayon at super excited sa pagkakaroon nito ng baby brother.
Ngayong may dalawang anak na si Jean, lalo siyang pursigido na pagbutihin ang kanyang trabaho para mapaghandaan ang magandang kinabukasan nina Jennica at Kotaro. Bukod sa kanyang singing at acting career, nagtayo rin si Jean ng sarili niyang negosyo, ang Eros Bar sa Quezon City.
Showing ngayon ang first team-up nila ni Bong Revilla ang Kilabot at Kembot at kasalukuyan naman niyang tinatapos ang Jologs sa Star Cinema. Pagkatapos nito ay agad niyang sisimulan sa Regal ang Bahid ni Joel Lamangan. Dito ay makakasama niya sina Eddie Garcia at Diether Ocampo. Naghihintay din sa kanyang availability ang Viva Films. May naka-line-up na rin siyang pelikula for the Metro Manila Film Festival in December, ang Mano Po na ididirek din ni Joel Lamangan. Makakasama naman niya rito sina Richard Gomez, Sunshine Dizon at Cogie Domingo.
At kung kelan namamayagpag ngayon si Assunta sa kasikatan ay saka naman zero ang kanyang lovelife.
Katatapos lang nitong gawin ang pelikulang Kapalit ang comeback vehicle ni Alma Moreno. May sisimulan din siyang movie sa Regal, ang launching flick ng baguhang si Aubrey Miles, ang Prosti na ididirek ni Erik Matti. Nakatakda rin niyang gawin ang Erlinda Marikit under Joel Lamangan for World Arts Cinema.