Ganito rin ang reaksyon ni Ms. Elma Medua, line producer, sa outcome ng movie. "Although may ilang shooting days pa kami, nakikita ko na more or less yung look ng movie. Nakakakilig sila. Ibang-iba sila sa movie compared sa Pangako Sa Yo.
Ang Forever More ay debut directorial job ni John-D Lazatin, isa sa mga promising directors ng ABS-CBN. Kasama rin sa movie sina John Lloyd Cruz, Michelle Bayle at iba pa.
Ang kwentong narinig namin, matagal na palang walang communication sina Paolo at Desiree. "Nong first few months na naghiwalay sila, talagang halos araw-araw nag-uusap sila sa phone. Pero nitong huli, hindi na. Mukhang nadala na si Paolo kasi the last cell phone bill na binayaran niya is P50,000. Pero excited talaga si Pao na magkita sila ulit ni Des," sabi ng isang kaibigan ng aktor.
Ewan namin kung ikatutuwa ni Desiree na malaman na mula nang naghiwalay sila ni Paolo ay hindi nagkaroon ng ibang girlfriend ang aktor.
Ngayong araw May 30 ang alis ng tropa ng Tabing Ilog para sa kanilang California shows (na nauna na naming naisulat dito) at sa June 7 ang balik nila. Hindi muna makakabalik si Desiree dahil mayroon pa itong kailangang ayusin. Pumayag na rin ang kanyang parents na magbalik siya sa showbiz. Sa June 19 nakatakdang bumalik si Desiree.
Dalawang shows ang inaasahang pasukan ni Desiree. Heard na ipapasok siya sa Pangako Sa Yo at sa Tabing Ilog kung saan siya unang nakilala. Abangan na lang natin kung ano pa ang magiging plans ng ABS-CBN at Star Cinema kay Desiree.
Bukod kay Marvin, kasama rin sa Tanging Yaman, The Series sina Michael de Mesa, Amy Austria, Paula Peralejo, Danilo Barrios, Emman Abeleda, Trina Zuñiga at Anna Larrucea. Si Don Cuaresma ang direktor nito.
Still on Marvin, masusubukan ang husay ng aktor sa pagpapatawa sa pelikulang Super B, entry ng Neo Films sa nalalapit na Manila Film Festival sa June 12. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa si Marvin ng pelikulaoutside Star Cinema, his home studio.