^

PSN Showbiz

Rudy, di kayang magpakita ng butt!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Parang kailan lang, one year na palang kasal sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Last Tuesday, May 28 nag-celebrate sila ng first wedding anniversary.

Ang dali ng panahon kung tutuusin. Noon, ganitong panahon nagkakagulo ang lahat lalong-lalo na si Amalia Fuentes. Pero lahat ng ‘yun ay parang kabanatang kinalimutan ng lahat pagkatapos ng isang taon.

Happy and contented ang marriage nina Aga and Charlene kasama ang kambal na sina Atasha and Andres.
* * *
Speaking of Charlene, ang actress ang papalit as host sa iiwang programa ni Tessie Tomas sa ABS-CBN, ang Feel At Home. Pero this time, magiging Feel At Home with Charlene ang title ng program na napapanood every Saturday, 10:30-11:30 a.m.

Pero one season, meaning 13 episode pa lang ang pinipirmahang kontrata ni Charlene dahil na rin sa kambal niya. Two days daw kasi ang taping para sa isang episode at kailangan pang magpunta sa iba’t ibang lugar. Priority ni Charlene ang family kaya one season pa lang ang commitment niya sa ABS-CBN.

Nag-decide na kasi si Ms. Tessie na i-give up ang TV career in favor of her husband at mag-settle na lang sa Europe.
* * *
Hindi talaga maganda ‘yung ginagawa ng GMA 7 na dina-dub nila sa Tagalog ang mga foreign movie. Last Monday night, pinalabas nila ang Intersection starring Richard Gere. Si Jestoni Alarcon ang nag-dub sa kanya. Pero hindi bagay ang boses sa character ni Gere.

Okey siguro kung hindi alam ng televiewers ang totoong boses ni Richard Gere.

Iba kasi ang pelikula sa telenovela. ‘Yun kasing mga Mexican tele-drama, hindi natin naririnig ang totoong boses ng mga actor kaya parang lahat ng sinasabi nila sa Tagalog, boses talaga nila. Pero sa case ng mga Hollywood actor, hindi magandang i-dub sa Tagalog dahil napapanood natin sila sa sine sa totoo nilang boses.

Sana ipalabas na lang nila ‘yung movie ng hindi dina-dub. Bukod sa nakatipid sila dahil mga artista ngang walang masyadong project ang binabayaran nila, mas na-appreciate pa siguro ng mga televiewers ang pelikula kung ‘yung talagang boses ng mga artistang foreigner ang maririnig.
* * *
"Hindi ko na siguro kayang gawin ‘yun," Rudy Fernandez said nang tanungin siya sa presscon ng Diskarte opposite Ara Mina, Maverick Films’ official entry to the Manila Film Festival kung kaya niyang magpakita ng butt like what Bong Revilla did in Kilabot at Kembot.

Nag-ala Pierce Brosnan sa Tomas Crown Affair si Bong sa Kilabot at Kembot as in nag-naked siya although naka-cover naman ang legs ni Assunta.

R 18 without cuts ang rating ng pelikula ni Bong kaya maraming breast exposure si Assunta.

Akala ko rin, hindi ako masa-shock sa mga ginawa ni Bong, pero grabe talaga. Sa mga senior action star, si Bong lang talaga ang puwedeng gumawa no’n.

Bukod sa mga sexy scenes, may eksena rin si Bong na ala-Jacky Chan. Pero isang beses lang ‘yun.

Nagsisigawan ang mga nanood sa nasabing sneak preview last Tuesday night sa SM Megamall. As of presstime, naka-4 million sa opening day ang nasabing pelikula na nagsimulang mapanood kahapon.

Entry din sana sa Manila Film Festival ang Kilabot at Kembot pero nang malaman ni Bong na may entry sa Festival si Daboy, nag-give way si Bong.

Anyway, going back to Daboy, aside from acting nag-expand na sa other fields in cinema si Rudy - editing, sound, music, cinematography and scriptwriting. Maging si Lorna ay nagkaroon ng interest dito. He and Lorna (Lorna took up filmmaking in San Francisco) are hands-on producers nang mag-produced sila sa sarili nilang production, Reflection Films. Hanggang sa pre-and-post- production ay involved sila. Si Lorna, nakapag-direk na ng ilang TV shows.

Sa case ni Rudy, marami ng nag-offer sa kanya na mag-direk pero feeling ni Daboy hindi pa siya ready. Kunsabagay, his father was a director kaya mataas ang expectation sa kanya? "Parang pakiramdam ko, I can’t equal my father," he said. Asia’s best director in the mid-50s for LVN’s Higit sa Lahat ang father ni Rudy. Kabilang sa obra ng father niya ang Malvarosa, Luksang Tagumpay and Emily. "Pero malay natin one of these days, magkaroon ako ng lakas ng loob," he said.

In Diskarte, isang ex-marine na napunta sa jail for killing the drug-crazed murderers of his family. Boy Vinarao directed the movie.

Aside from Ara, also in the movie are Tirso Cruz III, Roy Alvarez, Emillio Garcia, Jonee Gamboa, John Arcilla and Karen Montelibano.

BONG

CHARLENE

DABOY

FEEL AT HOME

KEMBOT

KILABOT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with