Itoy para maasikaso ang kanilang pearl farm sa Boswangga, Palawan. Balak din ng mag-asawa na paupahan na lang ang kanilang 40,000 na rancho sa Amerika.
Abala ngayon sa showbiz ang magandang aktres dahil bukod sa maraming TV appearances ay kasama pa rin siya sa isang sisimulang soap opera sa GMA 7. Samantala, ang kanyang anak na si Manuelito ay kumukuha ng Business Management sa isang unibersidad sa Las Vegas at hindi naman nagpapabaya sa kanyang pag-aaral.
Nakakontrata pa sa kanya si KC Castillo at matatapos ito sa April 16, 2004. Pinayagan niya itong gumawa ng isang pelikula outside the company na naka-stipulate naman sa kontrata kahit di ito nagpaalam sa kanila.
Sinuportahan naman niya si KC at binigyan pa ng magandang break pero hindi nito binigyang halaga ang lahat ng tulong na ipinagkaloob sa kanya ng El Niño Films.
Baka ang mangyari tuloy ay maging frozen delight si KC pero kailangan niyang tapusin ang kanyang kontrata na tatagal pa ng dalawang taon.
Magaling umarte ang aktor kaya naman nabigyan ng magandang role sa teleserye gaya ng Kahit Kailan bukod pa sa ILAM.
Wala pa ring girlfriend si James dahil prioridad niya ngayon ang kanyang career.
Isang educator si Offie na nagmamay-ari ng Admiral Maritime Training Institute of the Philippines. Kumuha siya ng BSE sa UST at MA in Education sa National Teachers College hanggang magturo ng isang taon sa St. Pauls College sa elementary department. Nagturo rin siya sa college sa Philippine Merchant Marine School. Habang nagtuturo dito ay inoobserbahan niya kung paano magpatakbo ng ganitong klase ng trabaho hanggang maisipang magtayo ng sariling training institutenagbibigay sila ng seminar sa mga gustong maging seaman. Dalawang araw ang pinakamaikling itinatagal ng seminar at 20 days naman ang pinakamatagal.
Umaabot ng 200 ang kanilang enrolee araw-araw at sa loob ng isang taon ay nakapagpapatapos sila ng 85,000 graduates.
Naging matagumpay si Offie sa itinayong training center at sa loob ng anim na taon ay kumpleto na ang kanilang facilities at maituturing itong world-class.
Marami na siyang natulungan gaya ng patuloy na pagsuporta sa Philippine Coastguard kaya nga sa pagdiriwang ng 125th Phil. Coastguard Auxiliary Squadron (1st anniversary) ay pinagkalooban siya ng award bilang pagpapahalaga sa lahat ng naitulong nila. Itoy idinaos sa Century Park Sheraton noong Mayo 24.
Naging beauty queen din si Offie (Ms. Philippine Pacific) kaya pwede rin siyang lumabas sa pelikula bastat maganda lang ang role at yong babagay sa kanya gaya ng abogada, doktora o milyonaryang tiyahin. Libangan lang niya ang pagtuklas ng mga talino sa pagkanta para makatulong sa mga baguhan.