Ayon sa may-ari na si Gng. Nancy Soriano Reyes, "Actually, first time naming makipagsabayan ng enrollment sa mga iskwelahan na may academic subject. Sa music lang kami."
Akala nila, pagbubukas ng klase, mababawasan ang bilang ng mga estudyante nila. Hindi ito nangyari marahil dahil pwedeng pumasok lamang sa kanila tuwing Sabado at Linggo lang at bumaba ng 40% ang tuition fee na sinisingil nila.
Isa itong consideration para mag-isip ang maraming gustong matutong umawit na ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.
"Sa ngayon naman, nagdagdag ang PMTS ng bagong kurso. Pang-limang (5) level na kami, kumpara sa ibang training school na hanggang 4th level lang. Ang idinagdag namin ay very effective kung ikaw ay nagso-show na. With guarantee yun, para maging sulit naman ang yung ibinabayad sa amin," dagdag ni Gng. Reyes.