Roxanne, suportado ng GMA

Maswerte ang baguhang si Roxanne Barcelo sa hanay ng mga baguhan sa bakuran ng Siyete.

Kung dati-rati ay maliliit lang na role ang napupunta sa kanya, ngayon ay isa siya sa pangunahing star ng Kahit Kailan, ang bagong youth oriented program ng GMA 7 katapat ng Tabing Ilog ng ABS-CBN.

Siya ngayon ang napili ng GMA 7 na i-build-up sa kalipunan ng mga bagong kabataang artista ng GMA.

Bukod sa Kahit Kailan, kasama rin siya Sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

Bihira ang ganitong pagkakataon sa isang baguhan - ‘yung binibigyan ng suporta ng GMA lalo pa nga’t wala pa naman siyang napapatunayan. May mga nagsasabi naman na may lalim ang kanyang arte sa mga programa na kanyang nilalabasan. Ito siguro ang naging basehan ng GMA para bigyan siya ng malaking break.

Ang dapat na lang gawin ngayon ni Roxanne ay pagsikapang patunayan sa GMA na deserving siya sa ibinigay na break sa kanya. — LMS

Show comments