Nikki, ayaw lumipat ng Siyete

It pays to be loyal. Yan ang katwiran ni Nikki Valdez kapag tinatanong sa isyu ng paglipat ng ibang istasyon. Kung tutuusin ay pwedeng-pwedeng gawin ni Nikki na lumipat from ABS-CBN to GMA 7 pero mas minabuti niyang mag-stick sa ABS-CBN, her home studio for 5 years now.

Anytime now at magri-renew si Nikki ng management contract sa ABS-CBN Talent Center. Ito ay sa kabila nang may nagbubulong sa kanya na subukang lumipat sa GMA 7 kung saan welcome rin siya.

"Napamahal na talaga sa akin ang ABS-CBN," sabi nito. "I’ve been with ABS-CBN for five years and dito na ako nakilala. Kaya I’d rather stay na lang. At saka, mahal naman ako ng mga bossing sa ABS-CBN at Star Cinema, eh. I’ve established friendship with so many people there. Kaya medyo mabigat sa dibdib na iwan ang ABS-CBN."

Naiintindihan ni Nikki ang hirap na pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN management para maibigay ang kaukulang exposure para sa kanilang mga artists. "Unti-unti, darating din yan. Ngayon, kung ano ang ibinigay nilang projects, happy ako. Hindi naman nila ako pinababayaan, eh," sabi pa nito.

Sa movies, pagkatapos ng hit movie ng Got 2 Believe, sinisimulan na Nikki ang Jologs at Tanging Ina both under Star Cinema. May offer din sa kanya ang Octo Arts Films para sa isang movie kasama si Redford White.

Sa telebisyon naman, join si Nikki sa new sitcom na OK Fine, Whatever nina Aga Muhlach at Bayani Agbayani.

What makes Nikki more excited ay dahil ang nationwide tour ng kanyang Beyond Limits: The Nationwide Concert Tour ay magsisimula sa June 14 sa Panabo Gym (Davao del Norte), June 16 sa The Venue (Davao City), June 22 sa Notre Dame College (Midsayap, Cotabato) at sa June 29 sa Corpus Christi Auditorium (Cagayan de Oro).

Beyond Limits:The Nationwide Concert Tour
is for the benefit of The Shrine, a place being built for retreat and other religious activities in Amadeo, Cavite.
* * *
Natapos na ni Claudine Barretto ang 10-days shoot ng movie nila ni Aga Muhlach na kinunan sa Bicol under Star Cinema. Ang balitang nakarating sa amin, mainit ang patanggap kay Claudine ng mga taga-Bicol. Saan man magpunta ang aktres ay pinagkakaguluhan ito.

"She was warmly recieved by the people of Bicol," says a source. "She is really popular kahit saan siya magpunta."

Rigid ang preparations na ginawa ni Claudine for the movie. Bukod sa acting workshop under Rory Quintos, kinailangan niyang magpa-tan to fit the role of girl who cooks good food. Napanood nga namin yung interview niya sa The Buzz last Sunday kung saan kinunan ang mga behind the scene ng movie.

Ikinuwento ni Claudine yung fun na muli niyang makatrabaho si Aga Muhlach. The last time they’ve worked together was in Oki, Doki Doc, The Movie few years back.

Good news para sa mga followers ni Claudine ang balitang slowly ay nakaka-recover na ito from the truma of Rico’s death. Aba, kailangan niyang mag-move on dahil she has a life of her own too!

Magiging abala rin si Claudine sa mall shows ng Particles Shirts kung saan image model siya.

At kailangan niyang magbunyi dahil ang kanyang Sa Dulo Ng Walang Hanggan ay nananatiling number one soap opera sa Pilipinas.
* * *
Kumbaga sa tubig, lukewarm ang naging pagtanggap ng publiko sa Judy Ann Santos-Dingdong Dantes movie na Akala Mo na nag-open last week. Sa kabila ng ingay ng publicity ng movie ay hindi naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa tandem nina Juday at Dingdong. Mismong sa kampo ng Viva Films namin nabalitaan na mahina nga raw ang movie.

Nangangahulugan kaya ito na it’s high time na muling gumawa si Juday ng movie with Piolo Pascual under Star Cinema?

Naniniwala kami na base sa resulta ng said movie, hindi pa tanggap ng fans si Juday na makasama ang ibang leading man. O di kaya’y hindi akma ang materyal para sa kanilang team-up. O di kaya’y kulang sa kooperasyon ang mga artista (particularly Dingdong) para maging believable ang gimik ng produksyon.

Hindi namin alam kung matutuloy ang pagsasama nina Juday at Piolo this year under Star Cinema. Ang balita namin, tatlong movies lang ang gusto ni Piolo this year. Bukod sa soon-to-shown na I Think I’m In Love (showing sa June 12) dalawa pa ang tinatapos ni Piolo, ang Nine Mornings at Dekada 70 na parehong nakatakdang ipalabas this year.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at Talent-ESalut@abs.pinoycentral.com.

Show comments