"Ngayong seven months na ako, binawasan ko ang aking mga activities. Pero nung three and a half months ako, umakyat pa ako ng Mt. Pulag. Also, I did mountain and rock climbing and biking. Lahat yata ng hindi ginagawa ng mga ibang pregnant women ay ginawa ko. Kaya siguro on my last ultrasound, lumitaw ang baby ko na sumisipa," masayang kwento ng TV host na umamin na kung siya ang masusunod, baka naghintay pa sila ng kanyang asawa ng kaunting panahon bago siya nagbuntis. "Pero, kaloob na ito ng Panginoon kaya ang dapat ay i-welcome ko na lamang.
"Would you believe na I was already on my second month of pregnancy before I could break the news to my husband? Hindi niya nahalata dahil wala akong morning sickness, no cravings basta I eat healthy food. Im also doing my part for the baby.
"Sana gusto kong first born ay lalaki for my husband. I know lahat ng asawa, ang gustong panganay nila ay lalaki.
"Una pa nga gusto ko twins pero, hindi ito nangyari. Tapos, nalaman ko gusto ng husband ko babae because he was thinking of me. We were both thinking of each other. Madalas nga kapag nakikita niyang nagi-exercise ako, he tells me to take it easy. Baka raw nahihilo na ang baby namin.
"I can still do all sports, except scuba diving and horseback riding. When the doctor told me that I couldnt scuba dive anymore, hindi ko siya sinunod the first time dahil may naka-schedule na kaming scuba diving the next day for Sports Unlimited. Nagdasal na lamang ako na sana alagaan ng Diyos ang baby ko. Hindi na ako makaka-back out."
Aside from her pregnancy, favorite topic pa rin ni Dyan ang Sports Unlimited. Hindi naman kataka-taka sapagkat pinaghihirapan niya ito ng husto.