^

PSN Showbiz

Geryk, ginagaya ang lolo

-
Lumalabas na ang Kenny Rogers commercial ni Geryk Genasky. Kung pamilyar sa inyo ang kanyang apelyido, may relasyon sila ng sikat na singer at tinaguriang Tom Jones ng Pilipinas in the 70s, si Rudy Genasky. Ama ito ng kanyang ina.

Pangatlo na itong product endorsement na ginawa ni Geryk. Nauna na ang Tanduay, sinundan ng Sky Flakes commercial at itong sa food chain ng Kenny Rogers.

Abala ngayon si Geryk sa kanyang pagbo-voice lessons under Maestro Ryan Cayabyab. Pinangatawanan na niya ang pagkanta dahil kahit saan siya magpunta at ipakilala, tanong agad kung namana niya ang singing voice ng kanyang lolo.

"I may not be as good as him, but I’m trying hard to be. Kahit kaunti, gusto kong manahin ang style at good singing voice niya. Mahirap, pero I’m willing to learn. I’m sure my lolo would be proud of me, if and when I sing professionally.

"I’ve listening to his songs, ang gaganda, not because his my grandpa. Almost everyone I talk to, sinasabing magaling siya. Kaya ginagawa kong guide ang mga old songs niya, while practising. Gusto kong i-revive yung mga kanta niya noon.

"He knows I’m entering showbusiness at okay lang sa kanya. He was telling me to stay humble and respectable. Matuto raw akong makisama."

Geryk is starting on the right track. A couple of Saturdays ago, kumanta siya sa Master Showman ni Kuya Germs Moreno sa GMA 7.

Habang kumakanta ng awiting "Superman", sigawan at tilian ang mga nasa audience. Inamin ni Geryk na nagulat siya sa naging response ng manonood sa kanya, hindi niya yun inasahan.

Maging ang kanyang manager na si Vera Isberto ay nagulat. Lalo noong pauwi na sila, inabangan sila ng mga fans para magpa-autograph at picture-taking with the young Genasky. –Ben Dela Cruz

vuukle comment

BEN DELA CRUZ

GERMS MORENO

GERYK

GERYK GENASKY

KENNY ROGERS

MASTER SHOWMAN

RUDY GENASKY

RYAN CAYABYAB

SKY FLAKES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with