Ngayon ay napatunayan nang hindi totoong "on the rocks" ang marriage nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.
Sweet pa rin ang dalawa at selosa pa rin ang aktres at gustong laging nasa tabi nito ang kanyang asawa.
Noon ngang magpunta ng Bangkok si Sunshine for pictorial sa Petit Monde kung saan siya ang image model ay hindi siya pumayag na di kasama ang aktor.
Ngayong gagawa ng Hollywood movie si Buboy at tutungo ng Australia ay ayaw din nitong magpaiwan.
Natapos na ang intriga kay Sharmaine |
Ngayon ay magaan na ang pakiramdam ni Sharmaine Arnaiz mula sa intriga noon sa kanila ni Mayor Joey Marquez. Masaya ang aktres dahil natapos na ang pag-uugnay ng kanyang pangalan sa aktor. Mas natuwa pa nga siya nang ma-link si Joey kay Kris Aquino dahil nangangahulugan lang na hindi totoo ang tsismis noon sa kanila ni mayor na nabalita pang may anak na sila at isinilang nito ito at itinago sa Amerika.
Inamin ng aktres na maganda ang nangyayari sa kanyang career ngayon. Mainstay siya sa Kung Mawawala Ka.
SIS, Maraming Komersyal |
Hanggang ngayon ay balita pa ring mawawala na sa ere ang Sis hosted by Janice and Gelli de Belen. Nakausap namin ang direktor na si Louie Ignacio, siya mismo ang nagsabi na hindi ito mawawala dahil marami itong komersyal. Imposible raw itong mangyari dahil bukod sa commercial, mataas din daw ang rating nito.
Jack of all trades si Direk Louie, bukod sa pagiging direktor, magaling din siyang painter, interior decorator at composer. Sa taong ito ay humakot siya ng nominasyon sa MTV Music Video Award.
Naudlot na pangarap ni Ian Valdez |
Sa presscon ng Pagsaluhan ay nakausap namin si Ian Valdez. Ikinuwento niyang umasa siyang mapapasama na sa sitcom ng Daboy en Da Girl pero may humarang sa kanya kaya di natuloy ang pagsali niya sa programa nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces. Pero hindi naman lubusang sumama ang loob niya dahil naniniwala siyang may iba pang pagkakataon para mapasama siya sa isang TV show. Ang mahalaga ay marami siyang proyekto ngayon gaya ng Pagsaluhan kung saan full length ang kanyang role bilang Mamasan. Nakalabing-apat na pelikula na si Ian. Kasama pa rin siya sa Kilabot at Kembot. Bida rin siya sa Selda ng ATB Films bilang isa sa limang babae na nakulong. Kasama pa rin siya sa OPLAN: Red Rose.
Ang dream role ni Ian ay makaganap sa papel ng isang bulag at pipi.
Isabel, Magtatayo Ng Restoran |
Karagdagang artistang pumasok na sa negosyo ay si Isabel Granada. Noon pa man ay gusto na niyang mag-business kaya lang lubha siyang abala sa pag-aaral noon kaya ngayon ay matutuloy na ang kanyang pangarap.
Naniniwala siya na hindi stable ang pag-aartista kaya nagsikap siyang makatapos ng pag-aaral at magnegosyo.
Tinawag niya itong Giggles Bar and Restaurant na matatagpuan sa Brick Road Grand East Mall Marcos Highway sa Cainta, Rizal. Ang business partner ng aktres ay mga kaibigan ng pamilya. Cozy ang restoran at masasarap pa ang pagkain at mura lang ang halaga nito. May 400 seating capacity kaya malaki ang lugar at isang bahagi ay nakalaan sa entertainment. Magkakaroon sila ng show araw-araw at siyempre ang magiging regular performer ay si Isa rin kasama ang banda. Minsan naman ay magkakaroon ng stand-up comedy.
Gustong Sampalin Ng Produ Ang Sinungaling Na Baguhang Aktor |
Naiimbyerna ang isang lady produ kapag naririnig ang pangalan ng baguhang aktor na ito na nagtatrabaho sa kanyang kompanya bilang artista. Per day lang ang bayad dito at mas mataas pa ang TF niya (actor) kaysa natatanggap sa ibang kompanya.
Paano ba namang di susulak ang dugo ng produ sa baguhang aktor na ito dahil sa sinasabi niyang hindi pa siya nababayaran gayung wala nang utang sa kanya ang produ para sa tatlong araw na syuting.
Gusto ngang sampalin ng produ ang baguhang aktor kapag nagkita sila sa paglulubid nito ng kasinungalingan.