^

PSN Showbiz

Ara Mina, ginagaya ang negosyo ni Joyce!

- Veronica R. Samio -
Bagaman at sinisimulan nang intrigahin si Joyce Jimenez dahilan sa mayroon na ring sinimulang negosyo si Ara Mina, ang Ara’s Secret, na katulad ng kanyang Private Joyce ay nagi-specialize rin sa mga women’s intimate apparels and accessories. Sinabi niya na nang itatag niya ang kanyang negosyo ay "I was the first one, but I don’t expect to be the only one."

Tungkol naman sa pagkakaagaw nina Assunta (de Rossi), Rica (Peralejo) & Co., ng kanyang trono bilang pangunahing sexy actress ng bansa, ito naman ang komento niya. "I’ve never left the business. It’s just that I did wholesome and feel good movies kaya they were left with the sexy movies. But it’s part of my plan to do different types of films, para hindi ma-bore sa akin ang tao. After I Think I’m In Love, I’ll probably go back to doing sexy films. I don’t plan naman to do away with bold. This is where I made a mark and after being wholesome, a lot of moviegoers will be expecting to see me in films like Scorpio Nights, and the erotic film (Ano Bang Meron Ka?) Diether (Ocampo) and I did.

"I don’t consider myself a competition for Assunta and Rica. I just want to be versatile and able to portray different roles. If you’re saying that I have lost my throne to Assunta, Rica and Co., then I probably have to get it back," sabi ni Joyce who is excited to be doing a film na mapapanood na ng mga bata opposite Piolo Pascual.

Magsisimula nang mag-aral muli si Joyce next month. She’ll be taking up child psychology via a home study program. At the same time mag-aaral na rin siya ng business management dahil may negosyo na siya na unti-unti nang lumalago.
*****
Isang crusading drug exponent ngayon si Alma Concepcion. Hinihikayat niya ang kanyang mga kapwa artista na lumahok sa isang seminar na sponsor ng Kill Droga. Nakikipagtulungan dito ang KAPPT sa pamumuno ni German Moreno.

Bukod sa isyu ng droga, aktibo siya sa sports gaya ng badminton at volleyball. Muli, lalahok siya sa JVC-YONEX sponsored tournament na gaganapin sa Glorietta sa Hunyo 8. Nanalo siya dito last year. Magbabakasakali siya na matanggap sa Rashomon ng Dramatis Personae at kapag nakuha siya, baka mag-aktibo rin siya sa legitimate stage.

Samantala, kasama rin ang isa pang celebrity mother na si Jackielou Blanco, sumali sila sa Snack 2002 On Exhibit na gaganapin sa Hunyo 1, 3-6 pm sa Museo Pambata sa Roxas Blvd. Pinakahuling activity ito ng Summer Nature and Arts Camp for Kids (SNACK) na ginanap nung summer sa Taal Lake Yacht Club na itinataguyod ng journalist and artists’ manager na si Bibsy Carballo.

Si Alma ang magsisilbing host ng opening exhibit’s event na tatagal hanggang Hunyo 7. Tampok dito ang mga trabaho ng mga bata na nag-participate, gaya ng pottery, drawings, photography at tie-dyed scarves.

Ang mga anak ni Jackie na sina Kenneth at Rikki Mae ang gugupit ng ceremonial ribbon.

Ang susunod na camp ay naka-schedule sa Nob. 1-3 at tatawaging SMACK. (Single Mothers Adventure Camp For Kids). Bukas ito sa mga single mothers and their children ages 5-10. Tumawag lamang sa 7210801/726-7164/7241762.

ALMA CONCEPCION

ANO BANG MERON KA

ARA MINA

ASSUNTA

ASSUNTA AND RICA

BIBSY CARBALLO

DRAMATIS PERSONAE

HUNYO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with