Ang pelikulang nabanggit ang nagbigay sa kanya ng dalawang Best Child Actor award. Isa mula sa 1999 Manila Film Festival and another one from FAMAS.
Posible sana siyang nanalo noon sa Moscow International Film Festival, kung naka-attend lang siya ng awards night nito. May nakarating na balita sa kanila na isang puntos lang daw ang lamang ng nanalo sa kanya.
It could have been another story, kung nandoon lang siya. Nangyayari naman talaga ang ganoon sa mga award-giving bodies. Kadalasan, kinu-consider ng awards committee ang presence ng mga magwawagi sa bawat category. Importante sa seremonya na nandoon ang mananalo.
Aminado si Lester na pinagdaanan niya yung tinatawag na awkward age. Alangang bata at hindi pa masasabing binata. At this age now, puwede nating i-consider na binatilyo na siya. In fact, very vocal ang kanyang paghanga kay Shaina Magdayao.
"Bukod po sa kanyang kasimplehan at ganda, napakabait pa niya. Alam ko naman pong mga bata pa kami, pero paghanga lang naman po yung sa akin. Friends po kami, madalas kaming mag-text sa isat isa, hanggang doon lang po," lahad niya.
Nagbalik ang bold trend. Sa edad niya ngayon, kaya ba niyang magpaka-daring kung hinihingi sa istorya?
"Actually po, nagkaroon na ako ng butt exposure sa Saranggola. Naliligo ako at ipinakita yung likuran ko. Siguro lang po, kung talagang kailangan, pag-aaralan namin.
"Sa akin okay lang, hindi naman siguro ako paghuhubarin ng basta na lang, kundi naman kailangan. Hindi naman po ang pagbo-bold sa pelikula ang goal na gusto kong ma-achieve. Mas gusto kong makilala ako for good acting. Dito ko gustong mag-concentrate," dugtong pa ni Lester.
Nagbabalik-pelikula si Lester. Katatapos lang niyang gawin ang pelikulang Ang Galing-Galing Mo Babes. (Ben Dela Cruz)