Hindi talaga ako makapaniwala na masasama ako sa pelikulang yan. Akala ko kasi sa mga sexy movies lang nila ako isasama, eh. Its an honor for me. Noon ko pa talaga gustong gumanap sa ibat-ibang klase ng pelikula.
"Syempre, hindi lang naman ako sa pagbo-bold pupwede. Gusto ko rin mapanood nila ako sa mga wholesome movie at the same time, maipakita ko na uubra din ako sa ganung role." Masayang pahayag ni Maricar.
Ang Utang Ni Tatang ang isa sa pelikula ng dating member ng Thats Entertainment ang unti-unting mag-aalis sa image niyang boldstar.
"Dito sa Utang Ni Tatang, makikita at mapapanood nila ang kakayahan ko sa comedy. Basta, bahala na silang humusga sa akin. Pang Manila Film Festival ito." Pagtatapos pa niya. Mar Muñoz