Claire may radio program na
May 26, 2002 | 12:00am
Masayang-masaya si Claire dela Fuente nang makipag-meeting kina Col. Antonio Cabangon Chua at program director ng Aliw Broadcasting Corporation, noong Martes ng gabi. Na-finalized na kasi ang tungkol sa kanyang sariling radio program sa DWIZ na magsisimula sa June 2, Sunday, alas-dose ng tanghali.
Madali namang nagkasundo sina Col. Cabangon-Chua, at Claire tungkol sa magiging format ng show, which will mostly focus on women at tipong public service din.
Matagal na kasing gusto ni Claire na makatulong sa kanyang kabaro kahit anupa ang mga suliranin nila. Kahit sa pamilya, sa trabaho (kasama pati mga overseas workers, o saan mang relasyon) ang problema, tatalakayin sa show at pipiliting bigyan ng solusyon.
Ang excitement ni Claire ay lalong nagiging intense habang papalapit na ang premiere airing ng kanyang show. "Iba kasi if you would be able to reach out to so many people," sabi ni Claire. "Lalong lumalakas ang positive energy mo na dapat lamang gamitin sa mga positive na bagay, tulad nga ng hangaring makatulong sa aking mga kabaro."
Malaki ang pasasalamat ni Claire sa pagkakataong binigay sa kanya ng Aliw Broadcasting Corporation at DWIZ. Milyon-milyon ang tagasubaybay ng istasyon sa buong bansa at malaking kasiyahan para sa dating singer ang maabot ang malaking audience na ito sa pamamagitan ng kanyang show.
Si Claire mismo ang nagbigay ng title sa show. Kaya Usapang Claire ang kanyang napili ay katunog ito ng Usapang Clear malinaw na usapan. Kayat magiging walang ka-kyeme-kyeme ang kanyang show. Deretsahantamaan na ang tatamaan, masaktan na ang dapat masaktan at higit sa lahat, tulungan ang dapat tulungan.
"Ako pa naman, kilala na ninyo ako, prangka at straightforward," sabi ni Claire. "Kaya ganitong tipo rin ang aking show."
Dahil nga sa entertainment din si Claire bukod sa kanyang pagiging businesswoman at civic leader, siyempre hindi mawawala ang konting showbiz portion sa kanyang radio program.
"Hahanapin din kasi at kagigiliwan ng mga listeners ang tungkol dito," dagdag pa ni Claire.
Inulit pa ni Claire ang invitation para makinig sa kanyang show tuwing Linggo, alas-dose ng tanghali sa DWIZ, starting June 2nd.
Bukod sa ibat ibang isyu tungkol sa transportation na mainit na mainit ngayon, abala rin si Claire sa recording ng kanyang forthcoming album. Isang dream project ito para sa kanya, dahil lahat ng magiging laman ng album ay original compositions ng kanyang 15-year-old son na si Gego De Guzman.
Simula pa pala noong 10 si Gego ay nahilig na siyang magsulat ng kanta. At may pruweba na siya sa kanyang talent. Siya ang nanalo ng grand-prize sa Gawad Canseco Songwriting Contest kamakailan lang.
Nang marinig nga ng composer-arranger na si Butch Miraflor ang mga compositions ay excited agad siya. Sabi ni Butch tiyak na magiging mga hit songs ang mga ito.
Ang panganay na anak ni Claire na si Gego (pronounced as Gigo) ang naninigurado naman sa kanyang ina na ang magiging carrier single sa album ang siyang magpapabalik on top of the charts kay Claire.
Isang pambihirang tandem sa music industry ang mabubuo ng mag-ina. Ngayon lang kasi magkakaroon ng isang album na mother and son ang tampok. Ang ina ang performer at ang anak naman ang composer.
Nauuso ngayon ang mga repackaged versions ng mga albumsmga Pinoy o foreign artists man.
Pati na ang mga Backstreet Boys at *NSYNC ay na-repackaged ang kanilang mga bagong album. Sa mga bagong versions nito, naging double CD/VCD at double-casette na sa dating presyo.
Tingnan ninyo ang "Revive" album ni Gary V. nang ilabas na repackagedkasama ang isang bonus VCD-higit na bumenta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am