Mas bold sina Daboy at Ara Mina

Nagbabalik-tambalan sina Rudy Fernandez at Ara Mina sa pelikula ng Maverick Films na Diskarte. Matatandaan na sa kumpanyang ito rin sila unang nagkasama, sa pelikulang Palaban. Sa kanilang ikalawang pagsasama napagpasyahan ng dalawa na maging mas bold pa hindi lamang sa mga eksena nila kundi maging sa kanilang roles, theme at pagkaka-execute ni direktor Edgardo Boy Vinarao.

Sa movie, kalalabas lamang ni Rudy sa bilangguan. Isa siyang ex-marine na nakulong matapos patayin ang mga drug pushers at addict na pumatay sa kanyang asawa. Sumumpa siya na susugpuin ang mga taong may kinalaman sa droga. Isang dancer si Ara na umibig kay Rudy nang taos puso.

Sumama si Rudy sa mga dating kasamahan sa pagsugpo ng drug. Kikita sila sa isang operasyon ng P40 milyong halaga ng drugs at cash. Isang paghihiganti ito para kay Rudy at isa ring trabaho. Nagkaroon ng double cross, nalagay sa panganib ang buhay nila ni Ara.

Maraming seksing eksena ang Diskarte na nagtatampok kina Rudy, Ara, Karen Montelibano, Emilio Garcia at Roy Alvarez. Kasama rin sa pelikula sina Tirso Cruz lll, Jonee Gamboa, Menggie Cobarrubias, John Arcilla, Alvin Anson, Archie Adamon at Ethel V.

Show comments