Daboy, ayaw patawag ng kuya kay Ara
May 25, 2002 | 12:00am
Nakapagsilang na pala si Jean Garcia ng kanyang first baby (by Japanese husband) at premature ang baby dahil anim at kalahating buwan lamang ang bata. May baby brother na ngayon ang panganay na anak ni Jean na si Jennica (12) sa kanyang dating kasintahan na si Jigo Garcia na may sariling pamilya na rin ngayon.
Kung titingnan ngayon si Jean, parang hindi ito nagbuntis at nanganak dahil bumalik kaagad sa dati ang kanyang katawan kaya buhay na naman ang kanyang character na si Madam Claudia sa sinusubaybayang teleserye na Pangako Sa Yo. Si Madam Claudia ang mortal na kaaway ni Amor Powers na ginagampanan naman ni Eula Valdez.
Although matagal-tagal ding nawala si Jean sa showbiz nang magtrabaho ito sa Japan, agad naman siyang nakabalik nang dumating sa kanya ang alok ng Dos para gampanan ang kinamumuhiang character ni Madam Claudia.
May mga nagsasabi pa nga na ang mga characters nina Jean at Eula ang nagdadala sa teleserye kesa sa mga pangunahing bituin na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.
Hindi kinakaila ng action hero na si Rudy Fernandez na lucky charm niya ang sexy star na si Ara Mina kaya muli niya itong kinuha sa pelikulang Diskarte na pinamahalaan ni Direk Edgardo Boy Vinarao at isa sa mga kalahok sa binuhay na Manila Film Festival na magsisimula sa susunod na buwan.
Puring-puri ni Daboy ang kanyang kapareha na si Ara dahil sa pagiging professional nito sa kanyang trabaho.
"Walang arte si Ara at mas magaling siya ngayon kesa nung una kaming nagkatrabaho sa Palaban, kuwento pa ni Daboy nang makakuwentuhan namin ito sa Virgin Café kamakailan lang.
Samantala, Daboy lang ang tawag ni Ara sa misis ni Lorna Tolentino dahil ayaw nitong magpatawag ng kuya o tito.
"Kapag tinawag ko siya ng kuya o tito, hahalikan niya ako," natatawang pahayag ni Ara.
Aminado rin ang sexy star na mas kumportable siyang katrabaho ngayon si Daboy kesa nung una na medyo naiilang pa siya at nininerbiyos.
"Ngayon buddy-buddy na kami," ani Ara.
Kung pinagselosan si Ara ni Aiko Melendez over Jomari Yllana, may dahilan bang pagselosan siya ng misis ni Daboy na si Lorna Tolentino?
"Walang dahilan para magselos at ma-insecure sa akin si LT. In the first place, secure naman si LT kay Daboy at may tiwala siya sa kanyang mister," pahayag pa ng sex goddess.
Tulad ni Daboy, matagal ding hindi gumawa ng pelikula si Ara dahil mas nag-concentrate ito sa TV at sa kanyang singing career.
"Nakaka-miss nga. Sana lang maging daan itong Diskarte para maging aktibo na naman ako sa pelikula," aniya.
Personal: Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagyao ng mahal na ina ng aming kaibigan at kasamahan sa panulat na si Shirley Pizarro ng Manila Bulletin. At ang aming dasal para sa kapatid ng isa pa naming kasamahan na si Ricky Gallardo na nakikipaglaban ngayon sa kamatayan matapos itong atakihin sa puso nung nakaraang Miyerkules.
Email:[email protected]
Kung titingnan ngayon si Jean, parang hindi ito nagbuntis at nanganak dahil bumalik kaagad sa dati ang kanyang katawan kaya buhay na naman ang kanyang character na si Madam Claudia sa sinusubaybayang teleserye na Pangako Sa Yo. Si Madam Claudia ang mortal na kaaway ni Amor Powers na ginagampanan naman ni Eula Valdez.
Although matagal-tagal ding nawala si Jean sa showbiz nang magtrabaho ito sa Japan, agad naman siyang nakabalik nang dumating sa kanya ang alok ng Dos para gampanan ang kinamumuhiang character ni Madam Claudia.
May mga nagsasabi pa nga na ang mga characters nina Jean at Eula ang nagdadala sa teleserye kesa sa mga pangunahing bituin na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.
Puring-puri ni Daboy ang kanyang kapareha na si Ara dahil sa pagiging professional nito sa kanyang trabaho.
"Walang arte si Ara at mas magaling siya ngayon kesa nung una kaming nagkatrabaho sa Palaban, kuwento pa ni Daboy nang makakuwentuhan namin ito sa Virgin Café kamakailan lang.
Samantala, Daboy lang ang tawag ni Ara sa misis ni Lorna Tolentino dahil ayaw nitong magpatawag ng kuya o tito.
"Kapag tinawag ko siya ng kuya o tito, hahalikan niya ako," natatawang pahayag ni Ara.
Aminado rin ang sexy star na mas kumportable siyang katrabaho ngayon si Daboy kesa nung una na medyo naiilang pa siya at nininerbiyos.
"Ngayon buddy-buddy na kami," ani Ara.
Kung pinagselosan si Ara ni Aiko Melendez over Jomari Yllana, may dahilan bang pagselosan siya ng misis ni Daboy na si Lorna Tolentino?
"Walang dahilan para magselos at ma-insecure sa akin si LT. In the first place, secure naman si LT kay Daboy at may tiwala siya sa kanyang mister," pahayag pa ng sex goddess.
Tulad ni Daboy, matagal ding hindi gumawa ng pelikula si Ara dahil mas nag-concentrate ito sa TV at sa kanyang singing career.
"Nakaka-miss nga. Sana lang maging daan itong Diskarte para maging aktibo na naman ako sa pelikula," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended