Noong nakaraang May 16, isang bicameral conference ang ginanap sa Manila Hotel sa pagitan ng representative ng Senate at House para gumawa ng isang agreement sa mga importanteng bagay para sa kanilang version sa nasabing bill. Napagkasunduan sa nasabing conference na ang final version ng bill ay i-submit sa President of the Senate and the Speaker of the House para sa kanilang signatures. Ang final step ay ang approval ni President Gloria Macapagal-Arroyo, pagkatapos nitong maging batas at ma-published sa isang official publication.
"The members of the Philippine movie industry are happy that the film incentives and development bill has finally passed both houses of Congress because this is the culmination of a legislative struggle that has taken years," Ms. Marichu Maceda said.
Nararamdaman ng mga industry leaders na oras na maging batas ang nasabing bill, unti-unting magkakaroon ng pagbabago ang industriyang ating ginagalawan. Sa ilalim ng Film Development Council, mai-encourage ang mga local producers to come up with better films, attract new producers para maging active sa paggawa ng makabuluhang pelikula upang madagdagan ang bilang ng pelikulang ginagawa, tumaas ang expectation ng manonood para malaman nila na marami pang ibang ideas na hindi pa natin napapanood. Dahil dito, magkaroon ng pag-asa ang mga producer na makipag-compete sa foreign films.
"These improvements are exactly what Filipino films need to recover from the slump they are currently experiencing, and to regain the publics respect and trust," Manay Ichu added.
"Once the bill becomes a law, the new Film Development Council will use its funds to improve film workers training, raise the industrys standards and its audiences expectations and reward productions that do quality work and promote the positive values that the country need to come into its own as a progressive and principled society," mahabang pahayag ni Manay Ichu sa isang press statement.
Matagal na panahon nating hinintay ang ganitong pagkakataon. Matagal na panahon na ring nanghihingi ng tulong sa gobyerno para ma-develop at ma-improve ang sitwasyon ng filmmaking sa bansa dahil na rin sa katotohanan na ang pelikula ay isang malaking impluwensiya sa values system, for good or bad ng mga kabataan.
Pero sa kabila ng magiging epekto nito, may ilang tao na nagsasabing sila ang totoong concerned sa industriya at wala umano itong magandang bagay na magagawa sa industriya ng pelikula. "Bakit hindi na lang tayo magtulungan para umaangat uli ang industriya. Hindi pa handa ang mga Pilipino sa standard ni Armida (Siguion-Reyna), o yung standard ng mga pinupuntan niyang international film festival. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo," nangingiting comment ng isang industry leader sa ginagawang pagkontra ni Armida sa nasabing bill na wala namang basehan.
Ang nasabing bill was initiated in the Senate by Senators Tito Sotto, Loren Legarda, Loi Ejercito, Ralph Recto, Juan Flavier, John Osmeña and Edgardo Angara.
Ang mga candidates sa Miss Makati ay pinili sa ibat ibang barangay and villages at ang karamihan ay college students and in-coming college students between ages 17-24 years old.
Sa Monday, May 27 bibigyan ng parangal ng local government ang mga natatanging mamamayan nila. Ito ay gaganapin sa Makati City Hall Quadrangle ganap na 7:30 ng umaga. Kasabay nito ang mini-concert featuring Asin at iba pang guest performers.
Tuloy-tuloy ang ibat ibang activities - inter-barangay basketball tournament, billiards, chess, arts and crafts exhibits and demonstrations sa Ayala Center, ballroom dancing and singing competition.
Magkakaroon ng street party sa May 30, Thursday, na magsisimula ng 9:00 p.m. The following day, May 31, magsisimula ang celebration ng 10:00 a.m sa pamamagitan ng puppet show sa City Hall quadrangle, midnight madness sale sa Ayala Center, food festival at Grand Parade sa Ayala Avenue ganap na 2:30 p.m. As of May 16, nag-confirmed ng attendance ang Manila Polo Club, Vintage Cars Association, Volkswagen and mini-coopers clubs, Miata Club, Makati Automotive Association, Toyota Bel-Air, Jaguar, Porsche, Mad Dog Motorcycle Club, Adventurers Motorcycle Club, Motorcycle Advocates of the Philippines among others.
May float din ang GMA 7, Viva TV and San Miguel Corporation sa nasabing parade. Pagdating ng gabi, isang free concert ang gagawin sa Ayala Center featuring Lani Misalucha.
At sa June 1, Saturday, Foundation day, magsisimula ang araw sa Tiangge sa Bangketa, harap ng Makati Park and Garden, on-the-spot painting contest, food festival, another free concert, fun run at magtatapos ang celebration sa awarding ceremonies ng lahat ng nanalo sa lahat ng competition at mass wedding sa June 5, Wednesday sa Sts. Peter and Paul Church, 3:00 p.m.
Ayon kay Mr. Lito Anzures, special assistant to the mayor, ito ang unang pagkakataon na isang mahabang celebration ang gagawin nila sa paggunita sa Araw ng Makati. Sa kanilang estimate, aabot sa P15M ang gagastusin. Pero hindi lahat ay manggagaling sa local government - ang iba ay contribution ng mga private sectors.
So ngayon naman siguro, titigil na ang ibang artista like Katrina Paula sa pagpapa-interview na naging hook siya sa ecstasy para lang pag-usapan.
Besides alam na naman ng artista ang effect ng nasabing drug at alam na nila ang mangyayari kaya hindi na nila dapat nilalabas sa publiko ang mga ganyang bagay.