Aya, nagpapagawa ng 10 storey dorm sa Albay

Nakatutuwang malaman na hindi naman nasayang ang pagbu-bold ni Aya Medel. May kinapuntahan naman ang pagbibilad niya ng katawan at pakikipag-romansa sa harap ng kamera. Bukod sa isang rice mill na naipundar niya para sa kanyang ina na isang guro sa Bikol, sa kasalukuyan ay on-going ang construction ng isang 10-storey dorm na ipinagagawa niya sa centro ng Tabaco, Albay.

"Nasa gitna ito ng maraming iskwela at kolehiyo, kaya alam ko na magiging isang magandang negosyo ito. Marami kasi ang mga nag-aaral na sa kolehiyo sa Bikol ang sa halip na pumunta ng Maynila para mag-aral ay dun na nag-aaral sa Tabaco. Bukod sa malalaki na ang mga iskwela run ay maganda na rin naman ang standard of education," ani Aya during the presscon of her film for Mila Pascual’s El Niño Films’ Pagsaluhan, also starring Francis Enriquez, Jeffrey Gonzales and Sydney Segovia.

"Nun ko pang isang taon nabayaran ang lupa pero ang ipinagpapatayo ko ng building ay galing sa kinita ko mula sa pagtatrabaho sa Japan. Talagang inipon ko ito para nga rito," dagdag pa ni Aya.

Bukod sa mga nasabing investment ay proud na rin si Aya na nakabili na siya ng tatlong sasakyan. Hindi na rin siya hirap sa pagbabayad sa tinitirhang condo unit dahil marami pa rin siyang offers. "Kung walang pelikula, kahit sa mga malalayong probinsya, nagsu-show ako. Ayan, tanungin n’yo ang mga reporters na nagdadala sa akin dun. Di naman ako pumupunta ng mag-isa, palagi nila akong sinasamahan," patuloy pa niya sabay turo sa isang grupo ng mga entertainment writers na mula nung nasa kuwadra siya ni Jojo Veloso hanggang ngayong freelancer na siya ay kasa-kasama pa rin niya. "Mas napadali lamang ang pag-iipon ko ngayon dahil sarili ko na ang pera ko. Bukod pa rito, tinutulungan ako ng mother ko sa mga gastusin. Mayroon naman siyang trabaho, bukod pa sa kumikita na rin ang rice mill niya," sey pa ng seksing aktres.

Gaya nang inaasahan, palaban pa rin si Aya sa kanyang mga eksena. Hubad kung hubad pa rin ang drama niya. Aniya ay walang binatbat ang mga baguhan at datihan nang sexy star sa kanya.

Palabas na ang Pagsaluhan sa Mayo 29 na mula sa direksyon ni Cesar Abella.
*****
Malakas ang impluwensya ni Dindin Llarenas sa batang artista na si Isabela de Leon. Bukod sa pagiging isang artista ay nagpaplano na ring maging isang singer ang pitong taong gulang na bagets na gumaganap bilang salbaheng kapatid ni Rufa Mae Quinto sa pelikulang Super B. Sila ni Dindin kasama na ang bata ring si Goyong ang sinasabing pinaka-batang love triangle sa larangan ng showbusiness. It is refreshing to know na dahilan sa kanyang kabataan ay hindi pa alam ni Isabela o Duday ang ibig sabihin nito.

Habang ini-interview ko siya ay tahimik siyang kumakain pero humuhuni ng isang kanta. Sinabi niya na mag-aaral pa siya ng kanta para madagdagan ang bilang ng alam niyang kanta.

Nasa US pa rin nagtatrabaho ang kanyang ina bilang medical technologist. Last year ay umuwi ito at dinala niya ito sa kanyang taping.

May nakatatanda siyang kapatid, edad 15.

Sinabi niyang iniipon ng kanyang ama ang kanyang pera. Nakabili na sila ng sasakyan at balak nilang bumili ng sariling bahay in the future.
*****
Isang career move para kay Mylene Dizon ang pagganap ng kontrabida na nagbunga ng maganda sapagkat ngayon ay kinikilala na siya bilang isang mahusay na character actress. "Ginawa ko ito dahil gusto kong mabura ang bold image na nalikha nang pumayag akong mag-expose ng breast at mag-breast- feed ng baby sa pelikulang Gatas Sa Dibdib Ng Kaaway," aniya. "Inaamin ko na na-offend ako, maging ang aking family nang gawin ko ang Gatas. Para mabura ito sa isip ng manonood, tumanggap ako ng isang kakaibang role. Di ko naman alam na lalabas akong isang mahusay na kontrabida," amin niya.

Show comments