Lola na si Mystica
May 24, 2002 | 12:00am
Bagay na bang maging lola si Mystica? Whether she likes it or not, thats what she is now. Ang asawa ng nag-iisang anak ni Mystica na si Stanley ay nanganak na last April 6. Lalaki ang kanilang panganay, ang unang apo ni Mystica. Bibinyagan ang bata next month at Iceley ang napili nilang name.
Dama namin ngayon ang closeness ni Mystica sa kanyang anak. In the past kasi, nababalita na madalas ang alitan nilang mag-ina. Lumaki pa nga raw ang gap nila noon na lumabas sa mga tabloid.
Hindi kasi maunawaan ni Stanley kung bakit kailangang ganoon ang ayos ng pananamit ng ina, sexy and very revealing. Bukod pa sa kakaiba ang istilo ng performance nito onstage and television.
There was one time na nakipag-sapakan pa si Stanley sa isang kaklase nang tawagin nitong bold star ang nanay niya. Hindi niya yun matanggap, hindi siya papayag. Doon siya nagsimulang magtanong sa ina.
Ngayong may anak na si Stanley, unti-unti na niyang mari-realize kung bakit ginagawa ni Mystica ang ganoon. She was trying to build up her own image in showbusiness kaya naman ngayon, tingnan ninyot wala siyang katapat sa style niya as a performer.
Kasama si Mystica sa soaop opera ng Siyete, Ikaw Lang Ang Mamahalin. Kaeksena niyang madalas ang pangunahing tauhan dito, si Angelika dela Cruz.
May pelikulang inumpisahan si Mystica at nakapag-first shooting day na siya.
"All out kontrabida ang role na na-assign sa akin. Type na type ko nga ang unang eksenang kinunan. Naliligo ako sa bath tub, mga macho ang kasama ko, sina Jon Romano at Diego Salvador.
"Badi-Badi ang tentative title nito, para sa Viva Films. Tambalang Eddie Garcia at Andrew E. Pero hindi ko pa alam kung sinu-sino ang makakasama namin sa pelikula."
Kung libre sa kanyang TV and movie assignments, ang pagso-show in and outside the Metropolis ang pinagkakaabalahan ni Mystica.
"Nagpabalik-balik kami sa Quezon Province sa paanyaya ni Congresswoman Aleta Suarez. May isa pa kaming schedule doon, June 21, the following day, biyahe kami papuntang Abulog, Cagayan for a show.
"Tuloy-tuloy na yun on the 25th, sa Claveria, right after the show, balik kami ng Maynila. Malamang na mag-resume na kami ng shooting at kakailanganin nila ako para sa taping ng Ikaw Lang....
"On June 5, may show ako sa the Plaka. Sa Malate ako and this is my very first time to do a lounge act, in a long, long time. Hindi pa sigurado, pero on going ang negotiations namin ngayon ng aking manager, si Tita Vera Isberto, for a show abroad. Kailangan akong nandito on or before the 25th of June. May show ako sa Cebu on that date," pagtatapos ni Mystica. Ben Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended