Cesar, may 3 pelikula sa Miramax

Naka-penetrate na rin si Cesar Montano sa international market.

Anytime now ay aalis ito (o baka nakaalis na siya sa paglabas nito) para pumunta ng Australia para mag-shooting ng kanyang una sa tatlong pelikula na pinirmahan niya sa Miramax Films.

May pamagat itong The Great Raid at makakasama niya sa pelikula si Benjamin Bratt, ang boyfriend ni Julia Roberts at napanood natin bilang kapareha ni Madonna sa The Next Best Thing.

Pagkatapos nito ay babalik siya agad ng Maynila para gumawa naman ng pelikula dito. Isa sa nakatakda niyang gawin ay pagtatambalan nila ni Rufa Mae Quinto para sa Viva Films.
* * *
Napag-uusapan na rin lamang si Rufa Mae , naikwento niya na sinabi sa kanya ni Marvin Agustin na tipong gusto nitong ma-tsismis sa kanya. "Bagay daw kami, sabi nga niya minsan sa akin ‘tayo na lang’," kwento niya sa presscon ng kanilang unang pelikula na pinagsamahan na may pamagat na Super B.

"Alam n’yo tawa kami nang tawa sa shooting. Minsan nga nagkakasakitan na kami dahil pareho kaming clumsy. Pero, mas madalas nakakalimutan niya ang kanyang sarili. Ako pa ang madalas magpaalala sa kanya na magpakapino naman siya.

"Pero, in fairness, mabait si Marvin, isang gentleman pa. Nagigiltihan nga ako dahil minsan nababara ko siya. Pa’no kasi, parang bata, walang preno sa pagbibiro," ani Rufa pa.

Kasama ng dalawa sa Super B na dinidirihe ni Joyce Bernal at ilalahok sa darating na Manila Film Festival sina Troy Montero,Melanie Marquez, Mylene Dizon, Aiza Marquez, Isabela de Leon at marami pa.
* * *
I’m sure panonoorin ng marami ang Kilabot at Kembot para lamang makita yung mga eksena na muli ay nagpaluha kay Assunta de Rossi sapagkat hindi raw niya inaasahan na kukunan ng larawan ang naturang eksena para sa promosyon ng pelikula. Siniguro raw niya na walang stillman habang kinukunan ang eksena. Katwiran niya tama na yung pagbu-bold niya sa movies. Iba naman yung pagbu-bold in print. Her co-star and producer of the film, Bong Revilla, denies any knowledge kung bakit nakunan ang kanilang eksena bagaman at marami ang nagsasabi na hindi yun pwedeng mangyari nang wala siyang pahintulot.

Dalawang beses na itong nangyari kay Assunta. By this time, she should have learned her lesson. There is no such thing as going bold on screen, syempre, makukunan at makukunan din ito ng larawan. At hanggang pumapayag siya na gumawa ng mga ganitong eksena, hindi titigil ang paglabas ng kanyang mga larawan na kuha rin sa mga nasabing eskena. Ganito ang takbo ng pelikula. Di ba niya alam?

Show comments