Sa kabila ng pagkakagulo sa labas dahilan sa malaganap na brown-out, hindi apektado ang palabas ni Dingdong na ginamitan ng generator. Busog din ang mga manonood dahilan sa napakaraming sandwiches na inihanda ng mga namumuno at iced tea and ice cream.
Inawit ni Dingdong ang mga cuts sa album na pinamagatang "Here To Stay". Labindalawa lahat ito "Ikaw", "Di Namalayan", "Just Because", "The Moment", at ang mga revivals niya ng "Walang Kapalit" ni Rey Valera, "I Dont Want You To Go" ni Lani Hall at ang "Paalam Na" na kinompos niya para kay Rachel Alejandro.
Ang "Here To Stay" ay sinasabing pinaka-magandang album ni Dingdong. Ilulunsad ito sa Hongkong sa Agosto at iri-release sa Asian market, sa mga bansang Singapore, Malaysia at Thailand.
Ang album ay may kasamang music video ng "The Moment". Ginawan din ito ng mga especially designed shirts, caps, pillows at key chains ng B.U.M. Equipment.
Naging panauhin sa lauching ng "Here To Stay" ang isa pang artist ng Star Records na si Carol Banawa.