"Its unfair," says Mr. Manahan. "During the time Jolina was still with us, all their demands, even unreasonable, ibinigay namin. I treated her like my real daughter."
First time na nagpahayag si Mr. Manahan ng kanyang sentiments dahil na rin sa walang tigil na pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa isyu tungkol kay Jolina.
Sabi ng isang Talent Center staff bilang pagtatanggol sa kanilang boss, "Si Mr. M na yata ang pinakamalawak ang isip pagdating sa pag-handle ng talents. He only wants the best para sa kanyang mga artista. Kaya ngayong nada-drag ang pangalan niya, talagang unfair yun. He treated Jolina like his own daughter kaya its understandable na masaktan siya. Isa pa, we dont play dirty."
Dagdag pa ng Talent Center staff, "Maganda ang paghihiwalay ng landas nina Mr. M and mag-amang Jolina at Jun Magdangal at hindi tulad ng mga nabalitang iringan ng magkabilang kampo. Nang ipadala ni Jolina ang kanyang sulat last May 3 (informing Mr. M na hindi na siya magri-renew ng contract with Talent Center), naging maganda ang reply ng Talent Center big boss."
In the spirit of fairness, bukas po ang kolum na ito sa anumang reaksyon mula kay Daddy Jun o Jolina.
At hindi pa man natin alam ang magiging takbo ng istorya ng Kay Tagal... ay marami na ang nag-aabang dahil this is the comeback television appearance ni Lorna.
Siguradong magkakaroon ng comparison ito sa ibang soap ng Dos.
Akala pa nga ng mga nagsidalo ay magpi-perform ang starlet, yun pala ay personal guest at kasamang naupo sa harapan ng binata sa show. Matatandaan na dating na-link ang binata sa young actress na may dalawa ng anak.