Anumang pilit ang gawin ng mga manunulat para intrigahin si Halina kay Joyce, mas nangingibabaw pa rin dito ang kaligayahan sa gagawing pagpunta nito sa US para gumawa ng isang telecine na kasama sina Leandro Baldemor at Rey PJ Abellana. "First time ko itong lumabas ng bansa. Pupunta kami sa San Francisco, sa Silicon Valley para mag-taping ng Ambisyon. Madadalaw ko na rin ang aking lola na nakatira sa Vallejo, California," masayang kwento niya. Sinabi niya na hindi na siya mapagkatulog dahilan sa kaiisip at sa excitement sapagkat kinabukasan makatapos ang presscon ay aalis na sila.
Inamin ni Halina na bagaman at marami pa rin siyang problema ngayon, hindi na siya gaanong apektado na paris nung una na nag-overdose siya ng pills. "Nag-mature na po ako. Kaya ko nang dalhin ang mga problema ko," pagtatapat niya.
Kasama niya sa Ligaya, Pantasya Ng Bayan sina Alma Soriano, Harold Pineda, Leandro Baldemor, John Apacible, Odette Khan at ang baguhang si Millet Cabral. Direksyon ni Arman Reyes mula sa script ng isa pa ring kontrobersyal na writer na si Dennis Evangelista.
Pagdating talaga sa pagbibigay ng kasiyahan mahirap talunin si Rico J. Puno. Wala pa rin siyang kupas. Matatapos na ang show ay marami pa rin ang gustong bumili ng tiket pero tinanggihan ko na sila at pinayuhan na lamang sila na may kasunod pang palabas next week ang Total Performer. Dun na lang sila manood.
Salamat din kay Mystica na nagdagdag saya sa aking palabas.