Watching the said episode makes me think na hindi baguhang direktor si Direk Andoy. Alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Impressive din ang mga camera works at ilaw niya. It seems binigyan talaga siya ng matinding suporta ng ABS-CBN para sa kanyang debut directorial job.
Sa unang kahalating oras ay matatawa ka sa mga eksena. Napakahusay nina Candy at Eugene. Natural, ika nga. Mukhang tailor-made sa kanila ang mga roles. Pero nong sumunod na kalahating oras ay iiyak ka na. Ito na yung parte na nagbulalas ng kani-kanilang panunumbat sina Candy at Eugene sa isat isa. Wala nang tigil ang pagpatak ng luha ng lahat ng mga involved sa scene.
Nakalikha na naman ang ABS-CBN ng isang batambata ngunit mahusay na direktor in Direk Andoy. Sana nga ay masundan pa ito ng magagandang projects.
Sa kabuuan, it was a feel-good episode of Maalaala Mo Kaya. Pagkatapos ng episode, mayroon nang ngiti sa yong mga pisngi.
Bukod kay Direk Andoy na hinuhulaan naming magiging mahusay na direktor din in the tradition of Wenn Deramas, Jerry Sineneng, Lauren Dyogi, Trina Dayrit, gusto naming batiin si Keiko Aquino sa kanyang napakagandang script.
Congratulations and more power. Direk Andoy!
Umani ng papuri si John mula sa press dahil sa magandang ugaling ipinapamalas niya. Kasi nga, hindi man lang nakitaan ng di magandang ugali si John mula nang mag-artista ito. Napanatili nito ang magandang pakikisama sa kanyang katrabaho at sa press.
Sa nasabing presscon, ipinahayag ni Ms. Cynthia Ching, general manager ng Sunstar Industries (taga-gawa ng Hawk Bags) ang kanilang suporta kay John. "He embodies the image of the youth today. Walang bisyo, maganda ang image. Mabait na anak at mahusay na aktor," sabi nito.
Sa ngayon ay lumabas na ang naglalakihang billboards ng Hawk Bags with John endorsing it. Ipinakita din ang TVC ng Hawk Bags na anytime this week ay maglalabasan na.
Sa personal side, hindi maiwasang hindi mapag-usapan si Heart Evangelista, ang ka-loveteam ni John. "So far, shes the closest girl in my heart. We share the same interests. Kasi magka-birthday kami (they were both born on February 14). Ang gaan niyang kasama," sabi ni John.
Boto rin pala kay Heart ang mga magulang ni John na sina Dondi at Alma Pratts. Kung liligawan daw ng anak nila si Heart, walang problema sa kanila dahil nga mabait si Heart.
Bukod sa G-Mik, napapanood na ngayon si John sa Wattamen at kasama siya sa pelikulang Jologs ng Star Cinema.
Sana ay ipagpatuloy ni Erwin ang kanyang magandang trabaho. The broadcast industry needs more mediamen like him. Gusto rin naming batiin sina Julius at Cheryl Cosim for doing a good job.