Mismong yung babaing pinagbasehan ng papel ni Glydel sa pelikulang nabanggit ang nagkuwento sa WAC producer Jojo Galang, scriptwriter Dennis C. Evangelista at director Arman Reyes, nang nag-location hunting ang grupo nung Setyembre, last year sa isang bayan sa Northern Luzon.
Ex-husband ng babaing yun ang isang striving/starving action star na dahil sa problema sa career ay malimit umbagin ang ka-live in. May tsismis pa noon na ang action star na ito ay may kakatwang relasyon sa mga babaing co-star at sa isang action director na pinagdududahan ang kasarian.
Early last year, nasagad ang pasensya ni babaeiniwan ng mag-ina si aktor na sinubukan naman ang pagho-hosto sa Japan. Nakilala ni babae ang guwapong alkalde ng kanilang bayan at napakabilis ng mga pangyayari. Tatlong araw silang nagligawan at agad iniuwi ni mayor si babae sa kanilang ancestral home.
Agad nag-alsa-balutan yung ka-live-in ni mayor at lumipad sa Amerika kasama ang mga anak ke mayor. Nung nagdaang local elections, visible ang bagong babae a campaign sorties ni pabling na mayor. Dahil makarisma, muling nahalal for a new term si mayor. Ang latest love niya ang ngayoy pumapapel na first lady ng nasabing lugar.
Tanging dasal ng nagkwento nito kina direk, writer at produ, "Sana totoo na ang pakikipagrelasyon kong ito. Masakit mapaso sa anumang ugnayan. Madaling pumasok sa gusot, pero mahirap dito ang lumusot."
Showing na simula pa noong mayo 15 ang Sana Totoo Na.