Onemig/Assunta movie di na tuloy!
May 19, 2002 | 12:00am
Kahit may balitang titigbakin na o tatapusin sa ere ang Pangako Sa Yo, hindi naging dahilan yon para tumanggi si Onemig Bondoc na magiging ka-love triangle siya ni Jericho Rosales kay Kristine Hermosa.
"Pagdating sa takbo ng career ko, I always expect for the worst, ani Onemig. "Mahirap kasing mag-expect ng mataas dahil kapag hindi natupad, madi-disappoint ka lang. Its not naman na Im being too negative. Sa akin kasi, if youre expecting for the worst, mas magiging humble ka. Mas lumalagay ka sa lugar."
Pero nag-audition siya sa nasabing role kasabay ang iba pang talents ng Dos na ayaw niyang banggitin pa kung sinu-sino.
"May nagsasabi nga kung bakit daw maga-audition pa ako. Ang point ko naman, walang mawawala sa akin. Kung yon ang gusto ng Talent Center o ng ABS, gagawin ko.
Sa kasalukuyan, sinu-shoot ng actor ang Jologs under Star Cinema kasama sina Assunta de Rossi, Diether Ocampo, Patrick Garcia atJohn Pratts. At kung magkakasundo ang Talent Center at ang World Arts Cinema, malamang na gagawin ng binata ang Erlinda Marikit, pelikula tungkol sa isang bakla.
"Interesado ako sa role na yon. Kakaiba. Challenging. Its an acting piece talaga. Something really new for me to do, di ba?
"Iniisip ko lang, kaya ko ba kayang bigyan ng justice yong character ni Erlinda Marikit? Ang daming demands ng role, eh. Aahitan ako ng kilay, iwa-wax ang mga balahibo ko sa katawan. Tapos niri-require na magpapayat ako para slim talaga ang katawan ko.
"Tapos, may kissing scene daw with Jay Manalo. Kung ako ang tatanungin, ayokong humalik sa kapwa ko lalaki. Pero sabi ni Direk Joel Lamangan, kailangan daw talaga. So, pinag-uusapan pa ang tungkol don."
Yong pelikulang Bahid na dapat sana ay pagtatambalan nila ni Assunta de Rossi under Regal Entertainment ay na-shelved. Nagkaroon daw ng internal problem sa production side. Kaya naudlot din ang balak sana ni Onemig na sumalang na rin sa sexy roles. Ruben Marasigan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended