The next Aga Muhlach
May 19, 2002 | 12:00am
Kung hindi magkakamali ng diskarte ang ABS CBN Talent Center, makakagawa sila ng isa pang malaking artista in the person of John Pratts, ang tinatawag na "The Next Aga Muhlach" sapagkat katulad ni Aga, napaka-guwapo rin ni John na sa paningin ng marami ay magiging isang malaking disadvantage sa kanya sapagkat, mas madalas, magiging mas maganda pa siya sa kanyang mga kapareha. Mabuti na lamang at isa ring magandang kabataan ang ipinapareha sa kanya ng Dos kung kaya walang problema si John sa bagay na ito.
Maswerte si John sapagkat nung kabataan nito ay medyo may katabaan siya. Walang nag-akalang papayat siya at guguwapo kung kaya nasorpresa ang lahat nang nakakakilala sa kanya at sa pamilya niya nang magawa niyang ma-trim down ang kanyang katawan na binagayan ng isang mala-Adonis na kaguwapuhan.
At 18, talagang stardom na ang tinatahak ni John Pratts. He may have started bilang kapatid lang ni Camille pero, unti-unti siyang nakatakas sa anino nito at ngayon ay nakakatayo nang mag-isa.
Malaki ang ungos niya sa mga kasabayan at ka-edad na artista sapagkat habang ang marami sa kanila ay tumigil na ng pag-aaral at nag-concentrate na lamang sa kanilang pag-aartista, John has successfully finished his high school and going on to college this coming school year.
Nakatakda siyang kumuha ng business course sa Thames International Business School sa Greenhills.
Bukod sa ilang regular show sa TV (G-Mik, Whattamen) gumagawa rin ng movies si John. Kasama siya sa Jologs pero, wala siyang ka-loveteam dito.
Sa darating na dalawang taon, kinuha siya ng Hawk Bags and Luggage bilang image model. Ayon sa may-ari ng mga naturang produkto, kinuha nila si John dahilan sa versatile siya na katulad ng kanilang mga bags. Maaaring dito ito ginagawa pero ang materyal na ginamit dito ay pawang imported. Dalawamput limang taon na ito sa negosyo. At sa tulong ni John bilang endorsers, inaasahan nilang mas tatagal pa sila.
Ang multi-awarded pop-rock band, ang Truefaith, nagpalaganap ng mga awiting "Perfect", "Huwag Na Lang Kaya" at "Åwit Para Sa Kanya" ay nominado sa nalalapit na 2002 MTV Pilipinas Video Music Awards. Para sa mga kategoryang Best Video By A Group para sa awiting "Sumasarap".
Ang "Gising" na kuha sa kanilang album na "Legalized Intense Vague Emotions and True Faith Live! Halo-Halo MYXed Emotions", parehong ipinamamahagi ng EMI Philippines.
Inaanyayahan ang mga supporters ng Truefaith na bumoto para sa kanilang paboritong banda sa MTV Pilipinas Video Music Awards race. Pwede kayong mag-e-mail sa mtvpilipinas@mtv asia.com o kumuha ng official ballot mula sa Music One, Tower Records, Odyssey, TGI Fridays, Outback Restaurant, Italiannis Tequila Joes, California Pizza Kitchen, National Sports Grill, JAG stores na nasa SM malls at sa Dolce and Gabbana counters.
Pwede rin kayong mag-fax ng balota sa (632) 633-56945. Ilagay ang inyong pangalan, edad, address at telepono. Pwede rin sa koreo sa MTV Pilipinas 2002, PO Box 1696, Makati Central Post Office 1256 Makati City. Magtatapos ang botohan sa Mayo 24, ang awards night ay gaganapin sa Hunyo 6 sa NBC Tent, Fort Bonifacio, Taguig.
Maswerte si John sapagkat nung kabataan nito ay medyo may katabaan siya. Walang nag-akalang papayat siya at guguwapo kung kaya nasorpresa ang lahat nang nakakakilala sa kanya at sa pamilya niya nang magawa niyang ma-trim down ang kanyang katawan na binagayan ng isang mala-Adonis na kaguwapuhan.
At 18, talagang stardom na ang tinatahak ni John Pratts. He may have started bilang kapatid lang ni Camille pero, unti-unti siyang nakatakas sa anino nito at ngayon ay nakakatayo nang mag-isa.
Malaki ang ungos niya sa mga kasabayan at ka-edad na artista sapagkat habang ang marami sa kanila ay tumigil na ng pag-aaral at nag-concentrate na lamang sa kanilang pag-aartista, John has successfully finished his high school and going on to college this coming school year.
Nakatakda siyang kumuha ng business course sa Thames International Business School sa Greenhills.
Bukod sa ilang regular show sa TV (G-Mik, Whattamen) gumagawa rin ng movies si John. Kasama siya sa Jologs pero, wala siyang ka-loveteam dito.
Sa darating na dalawang taon, kinuha siya ng Hawk Bags and Luggage bilang image model. Ayon sa may-ari ng mga naturang produkto, kinuha nila si John dahilan sa versatile siya na katulad ng kanilang mga bags. Maaaring dito ito ginagawa pero ang materyal na ginamit dito ay pawang imported. Dalawamput limang taon na ito sa negosyo. At sa tulong ni John bilang endorsers, inaasahan nilang mas tatagal pa sila.
Ang "Gising" na kuha sa kanilang album na "Legalized Intense Vague Emotions and True Faith Live! Halo-Halo MYXed Emotions", parehong ipinamamahagi ng EMI Philippines.
Inaanyayahan ang mga supporters ng Truefaith na bumoto para sa kanilang paboritong banda sa MTV Pilipinas Video Music Awards race. Pwede kayong mag-e-mail sa mtvpilipinas@mtv asia.com o kumuha ng official ballot mula sa Music One, Tower Records, Odyssey, TGI Fridays, Outback Restaurant, Italiannis Tequila Joes, California Pizza Kitchen, National Sports Grill, JAG stores na nasa SM malls at sa Dolce and Gabbana counters.
Pwede rin kayong mag-fax ng balota sa (632) 633-56945. Ilagay ang inyong pangalan, edad, address at telepono. Pwede rin sa koreo sa MTV Pilipinas 2002, PO Box 1696, Makati Central Post Office 1256 Makati City. Magtatapos ang botohan sa Mayo 24, ang awards night ay gaganapin sa Hunyo 6 sa NBC Tent, Fort Bonifacio, Taguig.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended