Pyar, di nagpatalbog kay Glydel

Kung akting ang pag-uusapan, hindi naman natalbugan ni Glydel Mercado si Pyar Mirasol sa kanilang pelikulang Sana Totoo Na.

Talagang ibinigay ni Pyar ang lahat para di mapag-iwanan ng mas senior na aktres.

Katunayan, may mga nagsasabi na may ilang eksena na mas nakaangat pa nga si Pyar.

Lalo na sa ilang mga eksenang bold na kung saan ay kapareha niya si Joseph Baltazar.

Palabas na sa Miyerkules ang Sana Totoo Na na nagtatampok din kay Tonton Gutierrez na siya marahil ang dahilan kung bakit hindi gaanong sumabak sa mga bold scenes si Glydel. — Rodel Fernando

Show comments