Sikat na singer tambay na lang sa mall
May 16, 2002 | 12:00am
Nakakapanghinayang ang kinahinatnan ng dating sikat na singer. Dahil sa paggamit ng droga ay napabayaan nito nang lubusan ang career niya.
Ayon sa aking source, ngayon ay makikita na lang itong nakatambay sa isang mall at nagpapahagip na rin sa mga bading sa murang presyo. Kailangan niyang kumita para may maipantustos sa kanyang bisyo.
Dahil pala sa droga, biglang nawala ito sa limelight. Kundi niya napabayaan ang career ay baka ratsada na ito sa kanyang pagiging singer dahil magaling siyang performer at hindi nababakante noon sa mga shows.
Tinanong ko si Mommy Alice Peralejo (ina ni Rica Peralejo) kung tuloy pa ang pagiging Dyesebel ng kanyang anak. May naglalabasan kasing balita na di na tuloy ang pagsasapelikula nito. Tinanong ulit ni Mommy Alice si Vic del Rosario tungkol sa proyekto at ayon dito ay hindi dapat mag-doubt ang mag-ina dahil kay Rica pa rin ang Dyesebel. Idinagdag pa raw ni Boss Vic na iniintriga lang ang aktres kaya hindi ito dapat magpaapekto tungkol sa proyekto.
Isa pa, sinabi ni Mommy Alice na mas papaboran ng Viva si Rica dahil hindi naman contract star ng Viva si Assunta de Rossi.
Nabigla si Mommy Alice nang ibalita namin na iniintriga rin si Rica tungkol sa pagi-ecstasy kasama ang boyfriend na si Bernard Palanca. "Naku! Yan ang malaking kasinungalingan dahil never na ginawa ito ng aking anak. Kung nagi-ecstasy yan ay baka natuyot na ang balat niya at tinubuan pa ng maraming tagihawat. Kita mo naman at flawless siya!" sey pa nito sa anak.
Mahilig talaga sa sexy actress si Marvin Agustin. Noon ay na-link siya kay Katrina Paula. Ngayon naman ang madalas na maka-date nito ay si Lana Asanin at magkasama ang dalawa sa premiere night ng Spiderman. Hindi naman nito itinatatwa na close sila ngayon ni Lana.
Sa kabilang banda, hanga naman ang magandang dalaga sa aktor dahil nababaitan siya rito. Sakaling ligawan siya nito ay sasagutin agad siya ng dalaga.
Samantala, excited na si Marvin dahil may entry ito ngayong Manila Film Festival, Super B Saves the Day kasama sina Rufa Mae Quinto at Troy Montero.
Hanga ang aktor sa pagiging propesyonal ni Rufa Mae at wala silang ginawa sa set kundi tumawa nang tumawa lalo na noong unang araw ng syuting.
Papel ng isang taong ipinaglihi kay Sto. Niño ang gagampanan ni Marvin kaya ang bihis at boses niya ay katulad ng santo.
Bilang artista ay malaki ang malasakit ni Mayor Vilma Santos sa movie industry. Aware din siya na matamlay ang kalagayan ng pelikulang Tagalog dahil sa paglaganap ng film piracy. Kaya naman naging matagumpay ang paglaban niya tungkol dito at masasabing malinis na ang Lipa City sa mga pirated CDs at VCDs.
Sinimulan na rin ni Vi ang pagpasa ng ordinansa para sa pagbabawas ng amusement tax para sa pelikulang lokal kung saan mula sa 30% ay naibaba ito sa 15%. Ipinaliwanag niya ito sa kanyang mga constituents gayun din sa kanyang mga konsehales na nauunawaan naman ang tunay na kalagayan ngayon ng movie industry.
Ilang gabi na kaming napapadaan sa Kilimanjaro at parang mapanglaw na ang loob nito dahil parang di kami nakakakita ng maraming customer unlike nung naroon pa si Judy Ann Santos na kasosyo ni Bebot. Bumitiw na ang aktres sa kanyang kasosyo dahil hindi sila magkasundo lalo na sa pamamahala ng mga tauhan.
Plano naman ni Juday na magtayo ng sariling restoran sa may Quezon City at this time katulong na sa pag-aasikaso ang kapatid na si Jeffrey Santos.
May nakapagbulong sa akin tungkol sa isang baguhang movie outfit na nalalagay ngayon sa problema dahil baka hindi na matuloy ang pagpapalabas ng kanilang unang pelikula. Hindi na nila mabayaran ang mga artista, staff and crew dahil puro talbog ang tseke nila. Ang dahilan ay nahulog ang loob ng batang produ sa isang seksing starlet na bida sa kanilang pelikula at nang malaman ito ng ina ng produ na nasa Amerika ay inihinto daw ang pagpapadala ng pera na ginagamit sa movie (o production cost). Kailangan talaga na marunong sa pagpapatakbo ng production ang isang magpoprodyus ng pelikula lalo na kung baguhan lang ito.
Ayon sa aking source, ngayon ay makikita na lang itong nakatambay sa isang mall at nagpapahagip na rin sa mga bading sa murang presyo. Kailangan niyang kumita para may maipantustos sa kanyang bisyo.
Dahil pala sa droga, biglang nawala ito sa limelight. Kundi niya napabayaan ang career ay baka ratsada na ito sa kanyang pagiging singer dahil magaling siyang performer at hindi nababakante noon sa mga shows.
Isa pa, sinabi ni Mommy Alice na mas papaboran ng Viva si Rica dahil hindi naman contract star ng Viva si Assunta de Rossi.
Nabigla si Mommy Alice nang ibalita namin na iniintriga rin si Rica tungkol sa pagi-ecstasy kasama ang boyfriend na si Bernard Palanca. "Naku! Yan ang malaking kasinungalingan dahil never na ginawa ito ng aking anak. Kung nagi-ecstasy yan ay baka natuyot na ang balat niya at tinubuan pa ng maraming tagihawat. Kita mo naman at flawless siya!" sey pa nito sa anak.
Sa kabilang banda, hanga naman ang magandang dalaga sa aktor dahil nababaitan siya rito. Sakaling ligawan siya nito ay sasagutin agad siya ng dalaga.
Samantala, excited na si Marvin dahil may entry ito ngayong Manila Film Festival, Super B Saves the Day kasama sina Rufa Mae Quinto at Troy Montero.
Hanga ang aktor sa pagiging propesyonal ni Rufa Mae at wala silang ginawa sa set kundi tumawa nang tumawa lalo na noong unang araw ng syuting.
Papel ng isang taong ipinaglihi kay Sto. Niño ang gagampanan ni Marvin kaya ang bihis at boses niya ay katulad ng santo.
Sinimulan na rin ni Vi ang pagpasa ng ordinansa para sa pagbabawas ng amusement tax para sa pelikulang lokal kung saan mula sa 30% ay naibaba ito sa 15%. Ipinaliwanag niya ito sa kanyang mga constituents gayun din sa kanyang mga konsehales na nauunawaan naman ang tunay na kalagayan ngayon ng movie industry.
Plano naman ni Juday na magtayo ng sariling restoran sa may Quezon City at this time katulong na sa pag-aasikaso ang kapatid na si Jeffrey Santos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended