'I won't destroy Piolo & Juday's loveteam' - Joyce Jimenez

May nagtanong kay Joyce Jimenez sa presscon ng kanilang movie ni Piolo Pascual para sa Regal Entertainment kung hindi ba siya natatakot na boykotin ng mga fans ni Judy Ann Santos ang movie nilang I Think I’m In Love na tulad nang sinabi nila na boboykotin din ang Videoke King ni Pops Fernandez dahilan lamang sa naniniwala silang may relasyon ito kay Piolo?

"Hindi naman sila nagalit kay Dingdong (Dantes, who is Juday’s latest movie partner) so bakit naman sila magagalit sa akin? Wala naman akong malisya kay Piolo and I won’t do anything to destroy their loveteam," sagot ng sexy star na sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas sa isang pam-pamilyang pelikula. Ang mga lovescenes nila ni Piolo ay tinanggal nang lahat para makakuha ng GP rating ang movie.

May panghihinayang din na idinagdag si Joyce na hindi niya nakuhang i-seduce ang seksing aktor na katulad ng ipinangako niya dahil "I had to know him first. When I said that, I was just being myself. Wala naman akong ibig sabihin, ganun lang talaga ako by nature," paliwanag niya.

Ang I Think I’m In Love ay tungkol sa paghahanap ng Mr. and Ms. Right. In the process sari-saring komplikasyon ang dinaanan nila.

Isang saleslady sa isang perfume section si Joyce at si Piolo naman ay isang pabling na pilantropo na bumibili ng pabango para sa kanyang napakaraming girlfriends. Paano mapapaibig ni Ms. Right si Mr. Right and vice versa?

Kasama nila sa movie si Lorenzo Mara bilang kapatid ni Piolo na kinaiinggitan nito dahil sa happily married ito. Si Roselle Nava ang bestfriend ni Joyce at kasa-kasama niya sa paglabas-labas sa paghahanap kay Mr. Right: si Jam Melendez ang nerdy suitor ni Joyce, si Luis Gonzales si Lolo Ising at si Gloria Romero si Lola Amor. Direksyon ni Maryo J. delos Reyes.
*****
Maswerte akong nakasama sa sorpresang birthday party na ibinigay ng pamilya ni Dennis Trillo sa kanya. It was really a family affair attended only by the celebrator’s immediate family and some relatives and close friends and colleagues.

When asked kung ano ang damdamin niya sa biglaang party, sinabi ng guwapong newcomer na hindi siya sanay na nasosorpresa. "Siguro ginawa nila yun dahil alam nilang hindi ako marunong mag-entertain ng guest," aniya.

Special guest niya ang bini-build up na ka-loveteam niya na si Kaye Abad. Mayroon silang episode na tatlo ni John Lloyd Cruz sa Star Studio. Bagaman at kasama na siya sa Dulo Ng Walang Hanggan, gusto pa rin niyang makasama sa Tabing Ilog na kung saan ay may mahalagang ginagampanan si Kaye.

Sinabi ni Dennis na pinaka-memorable birthday niya ito. All his past birthdays, he considers very ordinary.

Show comments