"Yun nga lang party, na-surprise na ako, tapos dumating pa si Kaye. Hindi ako makapaniwala. Sobrang saya ko," reaksyon nito.
Bukod kay Kaye, dumating din para bumati sina Jolina Magdangal, Rafael Rosell IV, Sarah Christophers at mga ka-batchmates (sa Star Circle 10) na sina Alfred Vargas, Paulo Maderal, Maoui David, Adrian Albert, Aaron Concepcion at Bea Alonzo.
Dumating ang mentor ni Dennis na si Wenn Deramas, director niya sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan at ang writer nito na si Ms. Keiko Aquino (accompanied by daughter Justine). Nanghihinayang si Dennis na hindi nakarating ang isa pa niyang director sa SDWH na si Andoy Ranay dahil may taping ito ng kanyang debut directorial job sa Maalaala Mo Kaya. Present din ang ilan sa mga kaibigan ni Dennis sa press like my dear editor Veronica Samio.
Present din ang mga taga-ABS-CBN Talent Center, Star Studio Magazine at taga-Harvard Jeans USA (the apparel which Dennis endorsers). Simple lang ang wish ni Dennis, "Magtuluy-tuloy ang pagdating ng mga projects at makitang laging masaya ang family ko."
Gusto naming bigyan-daan ang e-mail ni Sherby Marienella Cruz (Angel_Marie nella@yahoo.com), isang tagahanga ni Kaye Abad.
Dear Eric John,
Hello! Thanks for replying. I wasnt expecting that, actually. I just took my chance in e-mailing you since I really wanted to know the new things thats happening to my favorites actress, Kaye Abad. Anyway, I just saw ASAP a few hours ago. Is it really true that ABS-CBN is pushing for a Dennis Trillo and Kaye Abad loveteam? Well, seeing them together kanina was nakakakilig. Cute pala si Dennis Trillo. Never noticed that before. Medyo nagkakailangan pa sila but understandable naman yon since bago pa ang loveteam nila. Kung magiging Dennis and Kaye. I think its good naman for Kayes career kasi its something new and fresh. Naging iba na ang outlook ni Kaye at buti naman at magaling si Dennis Trillo umarte para hindi naman ako manghinayang masyado.
Sana magkaroon si Kaye ng sarili niyang teleserye. I think she will be able to handle her very own teleserye. Magaling kasi siyang umarte. I mean just look at Tabing Ilog. Bida siya doon di ba? Please keep me posted on the developments sa career ni Kaye because I am really a big fan of her.
Thank you so much,
Sherby Marienella Cruz
Ang pagbabalik ni Edu sa ABS-CBN ay patunay na tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sa network kung saan naman siya nagsimula. Last week of May ang airing nito with Olivia Lamasan directing.
Siyanga pala, gusto naming pasalamatan si Edu dahil one evening while having late dinner with good friend Luz Bagalacsa ay nakita namin siya sa Cork Bar (9501 Branch) kasama ang mabait na manager na si June Rufino. Nang hingin na namin ang bill, we were informed by our server na binayaran na ito ni Edu. Ayaw daw ipaalam ni Edu sa amin na binayaran na nito ang aming bill. Naunang umalis sina Edu at Tita June kaya wala na kaming chance na pasalamatan sila.
Thanks Edu and Tita June ha?