Anticipated ang pagkapanalo ni Rosanna
May 13, 2002 | 12:00am
Nag-tie sa best actress category sina Rosanna Roces at Assunta de Rossi sa 25th Gawad Urian na ginanap sa Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi. Si Joel Torre naman ang nanalong best actor para sa pelikulang Batang Westside.
Dramatic ang reaction ni Rosanna nang basahin ang pangalan niya ni Nora Aunor kasama si Assunta bilang best actress winners. Hindi alam ni Rosanna kung anong gagawin niya na opposite sa reaction ni Assunta.
Halos hindi makapagsalita si Rosanna at nang finally magsalita pagkatapos ng acceptance speech ni Assunta, sinabi ni Rosanna - "Maraming salamat sa Urian sa pagbibigay sa akin ng unang best actress trophy. Pinagpapala talaga po ng Diyos ang nagsasabi ng totoo. Sa pitong taon ko sa showbiz, pitong taon ko ring hindi nabuklat ang mga notebook ng mga anak ko," sabi ni Rosanna na umiiyak pa.
Anticipated ang pagkapanalo ni Rosanna bilang best actress. Two months ago pa, alam na ng mga showbiz insider na siya ang mananalo dahil sa link niya kay Butch Francisco na co-host niya sa Startalk. Ang hindi lang expected ay nang mag-tie sila ni Assunta para sa portrayal niya (Assunta) sa Hubog.
Marami ring nag-react sa acceptance speech ni Rosanna dahil sinabi pa niyang pinagpapala ng Diyos ang nagsasabi ng totoo. "Bakit kailangan pa niyang magsalita ng ganoon? Na-suspend na nga siya sa Startalk, nagsasalita pa rin siya ng ganoon? (tungkol sa ecstacy issue kay Rico Yan)," comment ng isang observer sa sinabi ng bold actress.
Again, unexpected din ang pagkapanalo ni Joel Torre as Best Actor para sa kanyang role sa Batang Westside na hanggang ngayon ay hindi pa napapalabas sa mga sinehan sa Metro Manila. Limang oras kasi ang pelikula.
Ang Batang Westside rin ang nanalong Best Picture at ang director nitong si Lav Diaz ang tinanghal na Best Director. Nakalaban niya sa nasabing kategorya sina Marilou Diaz-Abaya, Jose Javier Reyes, Joel Lamangan at Chito Roño. "Hindi ako naniniwalang kaya niyang (Lav Diaz) talunin ang mga beterano. Pero siyempre kailangan pa rin nating mapanood ang pelikula," comment ng isang writer tungkol sa pagkapanalo ni Lav.
Galing din sa pelikulang Batang Westside si Gloria Diaz na best supporting actress winner at si Raul Arellano na best supporting actor winner.
At bilang pagdiriwang ng 25th anniversary ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, binigyan nila ng recognition ang sampung klasikong pelikula sa nakalipas na 30 years - Maynila sa Kuko ng Liwanag, Insiang and Orapronobis (Lino Brocka), City After Dark, Himala and Nunal sa Tubig ni Ishmael Bernal, Batch 81, Kisapmata and Bayaning 3rd World ni Mike de Leon at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ni Eddie Romero.
Si Da King Fernando Poe Jr. ang pinagkalooban ng Natatanging Gawad Urian (lifetime achievement award).
Nag-participate naman sa parade of stars ang mga artistang pinarangalan ng Urian noon kabilang sina Nora Aunor, Mitch Valdez, Jonee Gamboa, Gina Alajar, Bernardo Bernardo, Phillip Salvador, Liza Lorena, Jaclyn Jose, Michael de Mesa, Perla Bautista, Richard Gomez, Lorna Tolentino, Amy Austria, Sharmaine Arnaiz, Gelli de Belen, John Regala, Helen Gamboa, Ricky Davao, Tonton Gutierrez, Maricel Laxa, Joel Torre, Jeffrey Quizon, Eddie Garcia at Gloria Romero.
Narito ang iba pang nanalo sa minor category:
Musical Score - Batang Westside
Best Editing - Joyce Bernal/Vito Cahili - La Vida Rosa
Best Short Film - Batang Trapo
Production Design - Cesar Hernando - Batang Westside
Cinematography - Miguel Fabie III - Batang Westside
Best Screenplay - Lav Diaz - Batang Westside/Armando Lao - La Vida Rosa
Naging host ng 25th Gawad Urian si Edu Manzano na cool na cool at nagagawa pang magpatawa in between gaps.
Inabot ng 1:30 ng umaga ang coverage sa RPN 9 pero hindi boring ang proceedings dahil walang masyadong sponsor kumpara sa mga naunang awards night na lahat ng category ay may kanya-kanyang sponsor.
Ang Urian ang kahuli-hulihang award giving bodies na nagbibigay ng parangal. Salve V. Asis

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended