Nakakaawa naman ang aktor na ito na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Para masunod lang ang bisyo ay nagpapahala ito sa halagang P300 hanggang P500 kaya naman mabenta ito ngayon sa mga bading. Dating kilala ang aktor na na-link sa sikat na aktres na humantong sa pagli-live-in. Nabigyan din ito ng tsansa para maging leading man sa pelikula pero nang lumaon ay nanamlay ang career dahil sa paggamit nga ng ipinagbabawal na gamot.
Nakakapanghinayang ang aktor na ito dahil magaling din siyang umarte, guwapo at may talino pa sa pag-awit. Sinayang ang magandang pagkakataong ibinigay at pinabayaan ang career lalo na nang maghiwalay sila ng seksing aktres. Ito ang naging dahilan kung bakit nagugumon ito sa ipinagbabawal na gamot.
Ness, Prioridad Ang Mga Anak |
Tinatawanan lang ni
Alma Moreno ang tsismis na nagkakamabutihan sila ni
Jay Manalo na leading man niya sa
Hanggang Saan... Kapalit. Wala siyang panahon ngayon para umibig muli dahil prioridad ng aktres ang kanyang mga anak. Mas gusto niyang alagaan na lang ang mga anak pagkatapos ng syuting. Maayos na ang samahan nila ni
Joey Marquez at nasa kanyang pangangalaga ang mga anak. Anytime naman na gustong kunin ito ng ex-hubby ay pwede niyang hiramin lalo na kapag wala silang pasok sa iskwela.
Tuwing umaga ay hinahatid niya ang mga anak sa school kaya alas-singko pa lang ng umaga ay gising na siya. Pero kapag puyat sa syuting ay ipinauubaya niya ito sa kanyang driver.
MMG Films Vs. El NiÑO Films |
Sa presscon ng
Walang Iba... Kundi Ikaw ay umuusok sa galit si
Estela Ledesma, associate producer ni
Evelyn Mateo MMG Films kay
Mila Pascual ng
El Niño Films. Malaking perwisyo ang naidulot ng pagpapatigil nito ng (Mrs. Pascual) ng pelikula titled
Kapirasong Gubat... Sa Gitna ng Dagat. Nagkaroon ng temporary restraining order ang movie dahil sinasabing may kontrata pa sa El Niño si
KC Castillo. "Hindi yata nila naintindihan ang nakasaad sa kontrata ni KC. Balak naming idemanda si Mila sa malaking danyos perwisyo na ibinigay nila sa amin," sey ni Estela.
Mikey, Ipinagmamalaki Ang Ina |
Sa pagdiriwang ng Mothers Day ay tinanong namin kung ano ang masasabi ni
Mikey Arroyo sa kanyang inang si President
Arroyo. "Puro negatibo ang tira sa aking ina pero sana naman ay makita nila kung paano ang ginagawa nito para sa bansa. Bilang ina ay ipinagmamalaki ko siya dahil marami siyang values na itinuro sa akin lalo na ang paggalang sa mga nakatatanda, pagiging mababa ang loob at matulungin sa kapwa. May puso talaga siya sa mahihirap," aniya.
Sa kabilang banda, enjoy muli si Mikey dahil sumabak na naman siya sa aksyon sa
Walang Iba... Kundi Ikaw katambal si
Geneva Cruz. May lovescene silang dalawa at sinabi nito na kung hindi lang siya committed sa kanyang nobya ay type niyang ligawan ang aktres tutal wala na naman sila ni
KC Montero ayon sa bise-gobernador.
Mystica, May Series Of Shows Sa Quezon |
Ratsada ngayon ang career ng rock diva na si
Mystica. Bukod sa pagiging regular sa
Ikaw Lang ang Mamahalin ay abala rin siya sa mga provincial shows gayundin sa Kamaynilaan. Kadarating lang niya mula sa Cebu. Ayon sa mga manonood ay naka-16 songs ito at nagi-split pa pero grabe pa rin ang energy. Kaya naman kapag si Mystica ang performer ay sulit ang bayad ng mga manonood. Sa Marikina Day ay siya rin ang naging ispesyal na panauhin.
Magkakaroon siya ng series of shows sa Quezon kasama ang
Mystique Dancers at banda.
Ma-Develop Kaya Sa Isat Isa Sina Cogie At Sunshine? |
May nagtatanong sa amin kung na-develop na sa isat isa sina
Sunshine Dizon at
Cogie Domingo? Magkasama raw lagi sa mga lakaran ang dalawa at sabay ding nanood ng
The Scorpion King sa Glorietta. Nag-dinner sila pagkatapos kasama naman ang kani-kanilang mommy.
Ayon sa dalawa, malapit lang silang magkaibigan dahil iisa ang kanilang manager. Nakatuwaan lang nilang manood ng sine pagkatapos makipag-meeting sa kanilang manager na si
Joji Dingcong.