Isa pa sa ikinabibilib ng aktor sa lady mayor ay hindi nito pinapabayaan ang kanyang mga kasamahang artista. Madali itong lapitan at madaling magbigay ng tulong tungkol sa pag-arte.
Sa naturang pelikula ay pumayag ang aktor na maghubot hubad. Hindi naman naging mahirap ang pagkumbinsi sa kanya dahil kailangan ito sa istorya.
Sa Lagarista na naglunsad sa kanya sa pagiging isang aktor ay nagpakita si Piolo ng kaseksihan sa bed scene nila ni Janna Victoria. Sa Dekada 70 ay mahahantad ang kabuuan ng kanyang likod mula itaas pababa. "Aktibista ako dito at nabilanggo. Torture scene iyong hubot hubad ako na nakatali ang kamay. Pumayag akong walang saplot ang aking katawan dahil nakatalikod naman ako sa kamera eh," ani Piolo. (Ulat Ni Alex Datu)